PUMANAW na si dating House Speaker at Davao 1st District Representative Prospero Nograles sa edad na 71.
Ito ang kinumpirma ng kanyang anak na si Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles na namayapa ang kanilang ama ng matiwa-say.
Nagpahayag naman ng pasasalamat si Karlo sa mga taong nakasama at naka-trabaho at sa lahat na naging parte ng buhay ng kaniyang ama.
Kasabay nito, humihingi rin si Karlo sa publiko ng patuloy na panalangin para sa kanyang pamilya.
Gayunpaman, hindi pa isinasapubliko ng pamilya ang dahilan ng pagkamatay ng dating lider ng Kamara.
Matatandaang noong 2008, nanilbihan si dating Speaker Nograles sa administrasyon ni dating Pangu-long Gloria Macapagal-Arroyo. DWIZ 882