DAVIS BINITBIT ANG LAKERS VS WOLVES

Anthony Davis

NAGBUHOS si Anthony Davis ng season-high 50 points upang pangunahan ang Los Angeles Lakers sa 142-125 panalo laban sa bumibisitang Minnesota Timberwolves noong Linggo ng gabi.

Kumonekta si Davis ng 20 of 29 shots mula sa floor at naipasok ang lahat ng kanyang 10 free throws sa loob ng 39 minuto. Ito ang kanyang ika-4 na career 50-plus scoring game. Humugot din si Davis ng 7 rebounds, nagbigay ng 6 assists at gumawa ng 4 steals.

Tumipa si LeBron James ng 32 points at 13 assists para sa Lakers, na nanalo ng apat na sunod. Nag­dagdag si Alex Caruso ng 16 points, habang tumapos si Danny Green na may 12.

Nagbida sina Andrew Wiggins at Karl-Anthony Towns para sa Minnesota na may tig-19 points. Nagdagdag si Josh Okogie ng 18 points, habang gumawa si  Robert Covington ng 16 para sa Timberwolves,  na nalasap ang ika-4 na sunod na pagkatalo. Walong players ang umiskor ng double figures para sa Timberwolves.

BROOKLYN NETS 105, DENVER NUGGETS 102

Naisalpak ni Spencer Dinwiddie ang go-ahead layup, may 26.3 segundo ang na­lalabi, at gumawa ang Brooklyn ng defensive stops sa huling dalawang possession ng Denver upang manalo sa home.

Nanguna si Dinwiddie para sa Nets na may 24 points.

PHILADELPHIA 76ERS 110, TORONTO

RAPTORS 104

Umiskor si Tobias Harris ng 26 points, at umangat ang host Philadelphia sa  12-0 sa home ngayong  season sa panalo laban sa Toronto.

Nagdagdag si rookie Matisse Thybulle ng limang 3-pointers para sa career-high 20 points, at nag-ambag si Ben Simmons ng 16 points, 11 rebounds at 9  assists para sa Sixers. Tumipa sina James Ennis III at Al Horford ng tig-11 points, at nagsalansan si  Joel Embiid ng 10 points, 8 rebounds at 6 assists.

Nanguna si Kyle Lowry para sa Raptors na may 26 points, at nagdagdag si  OG Anunoby ng 19 points at 10 rebounds. Nag-ambag si Pascal Siakam ng 16 points para sa Raptors, na nalasap ang ikatlong sunod na kabiguan sa ­unang pagkakataon ngayong season.

Ang iba pang resulta: Los Angeles Clippers 135, Washington Wizards 119;

Sacramento Kings 110, Dallas Mavericks 106; Oklahoma City Thunder 108,- Portland Trail Blazers 96; Miami Heat 110, Chicago Bulls 105 (OT); Atlanta Hawks 122,  Charlotte Hornets 107.

Comments are closed.