HABANG walang PBA ay abala si Yancy de Ocampo sa pangangasiwa sa kanyang negosyo bilang taxi operator.
“Dito ko ibinubuhos ang aking panahon sa aking business habang walang PBA,” sabi ni De Ocampo.
Si De Ocampo ay isa sa PBA players na pumasok sa iba’t ibang uri ng negosyo bilang paghahanda sa kanilang kinabukasan sa sandaling lisanin ang PBA kung saan siya nakilala matapos maglaro sa Under-16 FIBA Asia.
Tulad ni De Ocampo, iisa ang pananaw ng mga PBA player — ang magkaroon ng sariling business bilang paghahanda sa panibagong hamon sa buhay matapos ang kanilang basketball career.
Ang ibang PBA players ay nagtayo ng restaurant, barber shop, gasoline startion at pumasok sa sporting goods, trucking, at pagiging rice dealer.
Matalino at malawak ang pananaw ni De Ocampo kung negosyo ang pag-uusapan. Pinili ng higanteng 6-foot-9 ng San Miguel Beer ang taxi na ayon sa kanya ay profitable.
Ayon sa kanya, napakahalaga ng bawat segundo sa buhay at kailangan niyang samantalahin sa isang kapaki-pakibanang na paraan —ang pagtatayo ng negosyo.
“Practical ako sa buhay at malawak ang akin pananaw tungkol sa negosyo,” sabi ni De Ocampo.
“You have to find ways putting your hard-earned money in profitable business. I decided to invest my hard-earned money in this kind of business,” wika ng manlalaro na taga-Tanza at naglaro sa St. Francis of Assisi sa ilalim ni coach Gabby Velasco.
Hanga ang kanyang business manager na si Danny Espiritu sa kanyang pinasok na negosyo.
“Tama ang ginawa niya mag-invest sa business bilang paghahanda sa sandaling lisanin niya ang basketball,” sabi ni Espiritu. CLYDE MARIANO
Comments are closed.