TUTOL ang karamihan sa mga player sa panukalang 72-game schedule na kinokonsidera ng mga NBA para sa 2020-21 regular season, kabilang ang Dec. 22 opening, ayon kay NBPA executive director Michele Roberts.
Nakatakda ang deadline sa Biyernes para ibasura ng mga owner o player ang collective bargaining agreement, sinabi ni Roberts sa The Athletic na masusi nilang pinag-aaralan ang naturang panukala.
Kumpiyansa siyang walang magiging desisyon ang mga player ngayong linggo.
“We have requested and are receiving data from the parties involved and will work on a counterproposal as expeditiously as possible,” sabi ni Roberts. “I have absolutely no reason to believe that we will have a decision by Friday. I cannot and will not view Friday as a drop-dead date.”
Kinokonsidera ng mga miyembro ng NBA Board of Governors ang maikling free agency period matapos ang Nov. 18 draft kung saan mag-sisimula ang training camps sa Disyembre 1.
Ang panukala ay bilang tugon sa napaulat na $1.5 billion financial shortfall ng liga dulot ng COVID-19 pandemic, kabilang ang pagkawala ng kita sa in-stadium, halaga ng pagdaraos ng NBA restart sa Orlando at ang nawalang dagdag na kita.
Tinukoy ni Roberts ang personal sacrifices ng mga player sa pandemic-laced campaign, na kinabilangan ng 22 koponan na sumabak sa pinaikling regular season bago ang normal postseason format, kung saan itinanghal na kampeon ang Los Angeles Lakers.
“Our players deserve the right to have some runway so that they can plan for a start that soon,” ani Roberts. “The overwhelming response from the players that I have received to this proposal has been negative.”
Comments are closed.