PASAY CITY -IDINEKLARANG mga sapatos at tsokolate, subalit kush weeds at marijuana pala ang laman ng isang kargamento na nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Custom-Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa lungsod na ito.
Ang kargamento ay nasabat ng mga Customs NAIA sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG), na idineklarang sapatos at tsokolate na nanggaling sa California, USA pero nang buksan ay naglalaman ng 4 na pakete ng hinihinalang kush weeds at 10 cartridges ng liquid na marijuana.
Nagsuspetsa ang awtoridad sa kahina-hinalang laman ng kargamento dahil sa amoy nito kung saan kahalintulad na amoy rin ang kanilang naamoy sa mga nakaraan na operasyon.
Ang consignee ay kinilalang isang Xavier Martin Bulos ng Sampaloc, Manila na naaresto matapos na tinangka nitong ilabas. PAUL ROLDAN
Comments are closed.