DELA HOYA TATAKBONG US PRESIDENT?

Oscar dela Hoya

MULA sa pagiging Olympic gold medalist, boxing champion at ngayo’y isa nang boxing promoter, may bagong karera na nais pasukin si Oscar dela Hoya.

Ayon kay Dela Hoya, pinag-iisipan niya ngayong tumakbo sa pagkapangulo ng Estados Unidos.

Sinabi ng dating boxing champion na seryoso siya sa pagsabak sa politika.

Sa mga bumabatikos sa kanyang plano, ikinatuwiran ni Dela Hoya si US President Donald Trump na tulad, aniya, niya ay wala ring karanasan sa politika.

Ang pagpalaot sa politika ay bunsod ng kahilingan ng maraming fans ng dating boxing champ.

Comments are closed.