MALAYO na ang narating ni Vic Manuel ng Alaska Aces. Produkto siya ng PSBA sa may Cubao. Marami itong pinagdaanang hirap bago nakamtan ang tagumpay na tinatamasa ngayon. Naging MVP siya sa PBL. Kaya naman noong handa na siyang tumuntong sa profession-al league ay nagsikap siya.
Una niyang naging team ang GlobalPort Batang Pier. Tatlong taong kontrata ang ibinigay sa kanya. Na-trade siya sa Air21 Express then nagpunta siya sa Meralco Bolts. At ang huli nga ay sa ang Alaska na totally ay nagbigay sa kanya ng pagkakataon na mailabas ang kanyang tunay na laro. Ngayon ay malaki ang chance ni Muscleman na maiuwi ang ‘Best Player of the Conference’ award.Sa huling laro ng Aces ay muling gumawa ng career-high si Vic na may 35 points.
Mala-import ang laro ng tubong-Guimba, Nueva Ecija. Very inspired ang player para sa kanyang anak na si Kesha. Sana ay maipagpatuloy pa ni Vic Manuel ang magandang ipinakikitang laro lalo na’t wala si Calvin Abueva sa team. Malaking bagay kay Muscleman ang pagtuturo sa kanya ni Danny Ildefonso as a ‘bigman’. Si Ildefonso ay isa sa mga assistant ni coach Alex Compton na namamahala sa malalaking players ng team.
Humingi ng paumanhin si Ricci Rivero sa dalawang babaeng fans na nasigawan niya after the game sa Filoil Arena kung saan ang kalaban pa ng Gi-las ay ang dating unibersidad niya, ang La Salle Green Archers. Mainit ang ulo ni Rivero dahil hindi maganda ang ipinakitang laro nito.
Sinundan ng dalawang girls si Ricci na gustong magpa-picture sa kanya. Sa totoo lang ay naiintindihan ko ang player sa naramdaman niya. Gusto niya kasi na magpakita ng husay sa paglalaro para sa dating team.
Hindi nakisama ang bola sa kanya, nabuwisit sa laro niya. Napagbuntungan ang dalawang ladies na nangulit kaya nasigawan. Mabait naman si Ric-ci, madaling mapawi ang init ng ulo. Kaya nang mahimasmasan, humingi siya agad ng apology sa kanyang nabulyawan.
Delikadingding na ang kampo ng Magnolia Hotshots. May 3-4 kartada ang team ni coach Chito Victolero. Ang mga susunod na kalaban nila ay pawang malalakas at kinakailangan nilang makabawing manalo sa mga susunod na laban. Malaking bagay ang pagkawala ni Marc Pingris sa koponan ng Magnolia.
Next year pa makakabalik si Pingris na nagpapagaling pa sa kanyang ACL injury. Almost 6 months ang kakailanganin bago siya makabalik sa hardcourt.
Good luck sa lahat ng teams na kalahok sa MPBL, lalo na ang Team Mandaluyong at Team Marikina, at sa Caloocan Supremos ni coach John Cal-los. Congrats, coach Mark Ballesteros, champion ang team sa Guam.
Comments are closed.