MAHIRAP talaga kapag ang isang player ay biglang sikat. Lumalaki ang ulo at nagbabago ang pag-uugali sa kasikatan. Pinag-uusapan ngayon sa social media ang problema ni Jio Jalalon at ng kanyang wife na si Tina dahil umano sa pambababae ng basketball player.
Katunayan, humingi pa ng tulong ang wife ng player sa programa ni Ruffy Tulfo. Naglabas pa ng sama ng loob ang wife ng player na sinasaktan nga ito ng dating manlalaro ng Arellano University. Kung titingnan mo ang pagkatao ng basket-bolista ay parang hindi niya ito magagawa dahil mukha naman siyang mabait at tahimik.
Mismo kay Tina nanggaling na isang taon na nga raw may babae si Jio at sinasaktan siya nito. Taong 2018 nang ikasal ang dalawa. Mayroon na silang dalawang anak. Sa sitwasyon nilang mag- asawa, sana ay maayos pa nila ang kanilang problema. Maaga pa naman, saka sayang ang kanilang pagsasa-ma. Talagang dumarating sa mag-asawa ang mga problemang ganito na sila lang ang makakaayos.
Ayaw pa naman ng Magnolia Hotshots ang mga ganitong problema, mga personal na kumakalat sa social media. Posi-bleng mangyari kay Jalalon ang nangyari kay Calvin Abueva na teammate niya nga-yon. Puwedeng alisin siya sa kampo ng Magnolia dahil nakasisira ito ng image ng Hotshots. Kapag nagreklamo pa si Tina sa PBA at sa GAB ay puwede rin itong matanggalan ng lisensiya. Mainit ang balita na iti-trade ito, kasama pa si Mark Barroca sa ibang koponan.
Gising, Jio. Siguro naman ay hindi pa huli ang lahat upang ayusin ang problema ninyong mag- asawa kaysa mawalan ka ng basketball career. Saka babae lang iyan, ang asawa ay pamilya mo at siyang karamay mo sa lahat ng oras.
Mayroon nga kaming kakilala na player na feeling guwapo noong nagkapangalan sa PBA. Tulad ni Jalalon ay nasilaw sa kasikatan. Nambabae, iniwan ang asawa pero hindi siya nanakit physically.
Ilang taon din silang nagkahiwalay ng kanyang wife. Ang kanyang babae ay idinisplay pa niya sa team at ipinakiala sa mga asa-asawa ng mga kasamahan niyang players. Kumbaga, naging legal ang babae ng basketbolista.
Hindi naghabol ang tunay na wife ng player, bagkus tinanggap niya na wala na sila. Pero dahil siguro kahit papaano ay may pagmamahal pa ang player sa kanyang original wife ay niligawan niya muli ito. Nung magkahiwalay ang player at wife niya ay minalas ito sa kanyang paglalaro. Laging may injury, hindi matatapos ang conference na hindi siya nadadale ng injury. Naniniwala kasi ang player na ang pamilya niya ang suwerte sa kanyang buhay at career.
Nagkabalkan nga ang player at ang kanyang wife at binayayaan pa sila ng pangalawang anak. Sa tingin ko ay tuloy-tuloy na ang pagbabago ng basketbolista. Mabait naman ito, talagang pagsubok lang ‘yung nangyari sa kanyang buhay may asawa. Kailangang maging matapang at maging matatag ang isanf babae upang maging maayos ang kanilang pagsasama.
222433 346061Very good job on this write-up! I really like how you presented your facts and how you created it interesting and effortless to comprehend. Thank you. 732768
743304 502035When visiting blogs, i usually discover a quite great content material like yours 48480