NANAWAGAN si House Senior Deputy Minority Leader at Iloilo 1st Dist. Rep. Janette Garin sa mga tollway operator na huwag nang singilin o ilibre na ang mga nagbibiyahe ng pagkain at gamot, gayundin ang may kaugnayan sa kampanya laban sa COVID-19.
Kasabay nito, pinuri ng dating Health Secretary ang pamunuan ng Department of Health (DOH) sa pagtugon sa rek-omendasyon ng ilang nasa medi-cal profession na magtalaga na lamang ng partikular na mga ospital na tututok sa mga pasyenteng tinamaan ng coronavirus disease.
“I would like to commend the Department of Health for heeding the call and designating specific hospitals to cater only to COVID-19 patients. At hinahangaan natin ang DOH, pati na ang ibang ahensiya at mga LGU, sa walang kapagurang pagharap sa mga pagsubok na pinagdaraanan ng bansa dahil sa SARS-CoV2 virus,” pahayag ni Garin.
Ayon sa Iloilo lady lawmaker, ngayong nahaharap sa malaking banta ng pagkalat ng nasabing sakit at public health crisis ang bansa, kinakailangan ang pagtutulungan ng bawat isa.
Ang mga expressway at iba pang connector highways ay mayroon aniyang malaking papel na ginagampanan, kabilang ang pagtitiyak na mananatil-ing normal ang suplay ng pagkain sa iba’t ibang lugar, lalo na sa Metro Manila at ang kina-kailangang mga gamot naman ay makararating sa mga nangangailangan.
Bukod dito, dahil nakabase sa Muntinlupa City ang Research Institute for Tropical Medicine (RITIM), na siyang sentro ng COVID-19 testing ng pamahalaan, marami ang dumadaan sa SLEX at iba pang connetor highways sa pagpunta sa nasabing institusyon at maituturing na dagdag-gastos ang pagbabayad ng toll fees.
“Tandaan din po natin na samples from different hospitals need to be sent to RITM for validation. Bawat biyahe po papuntang RITM ay umaabot ang toll sa higit-kumulang PhP350,” sabi pa ni Garin.
“With the temporary suspension on the collection of toll fees related to relief operations on coronavirus disease, we are providing vigorous support for all humanitarian activities to uplift the morale of our kababayans,” aniya. ROMER R. BUTUYAN
Comments are closed.