DAHIL umano sa patuloy na paggamit ng Republic Act 11709 ng mga ambisyosong graduates ng Philippine Military Academy (PMA), nagdudulot ito ngayon ng demoralisasyon sa hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ang RA 11709, ang batas na nagtatakda ng permanenteng termino sa mga piling opisyal ng AFP na sinasabing ginagamit ng iilang PMAers para umano sa kanilang sariling interes.
Nabatid na inaabuso umano ng PMAers ang probisyon ng batas na nagtatakda ng three year fixed term sa mga opisyal na nakaabot sa ranggong brigadier general pataas.
Napag-alaman na mayroong iilan na linggo na lamang ang hinihintay bago ang 56- anyos na dating mandatory retirement age ay napagbigyan pa na ma-promote bilang one-star general at dahil sa RA 11709 ay magkakaroon pa ng dagdag na 3 taon sa serbisyo.
At may ilan din na naghahangad sa pinakamataas na puwesto sa AFP na kasalukuyang hawak ni Lt. Gen. Bartolome Vicente Bacarro, isang Medal for Valor awardee at kauna-unahang AFP chief of staff na itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.
Isa ang AFP chief of staff sa mga posisyong sakop ng three-year fixed term sa ilalim ng RA11709 na may magandang layunin na palakasin ang professionalism at i-promote ang continuity sa AFP kung hindi aabusuhin ng iilan. EVELYN GARCIA