DENGUE CASES BUMABA

BUMABA ng walong porsiyento ang mga kaso ng dengue sa bansa.

Naitala ito ng Department of Health (DOH) na bumaba rin mula noong nakaraang taon ang mga namamatay dahil sa dengue na may fatality rate na nasa 0.26% na lamang.

Kaugnay nito, tinitignan at pinaghahandaan pa rin ng ahensiya ang posibleng pagtaas ng mga kaso dahil na rin sa mga patuloy na pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Kaya naman patuloy ang paghimok ng  DOH sa publiko na ugaliing gawin ang pagsira ng maaaring pamugaran ng lamok, proteksyunan ang sarili, magpakonsulta agad kung may nararamdaman at pausukan ang mga hotspot area lalo na tuwing tag-ulan.