NAGPULONG sina Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon M. Lopez at Danish counterpart, Minister for Industry, Business and Financial Affairs Brian Mikkelsen upang talakayin ang trade and investment opportunities sa pagitan ng Pilipinas at ng Denmark, lalo na sa malawakang programang pang-imprastraktura ng pamahalaan.
“The current economic growth momentum, rating upgrades, and aggressive infrastructure programs offer a lot of business opportunities for foreign investors particularly with technology-oriented services and systems,” wika ni Secretary Lopez.
Binigyang-diin din ng trade chief na tinitiyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga investor na mapoprotektahan ang mga ito sa korapsiyon at ibinahagi niya ang mga reporma upang mapabilis ang pagnenegosyo sa bansa, gayundin ang corporate tax scheme.
Pinuri ni Minister Mikkelsen ang paglago ng ekonomiya ng bansa at sinabing nais nilang maging bahagi ng pag-unlad na nagaganap sa PH. Nagpahayag din siya ng interes sa pagdadala ng construction firms na lalahok sa ‘Build Build Build’ infrastructure program ang administrasyong Duterte.
Bukod dito, interesado rin ang European Union (EU) member state na maglagak ng puhunan sa renewable energy at abot-kayang gamot.
Ikinatuwa ni Secretary Lopez ang interes na ito at hinimok ang Danish na mag-alok ng mga pananaw upang malutas ang mga problema ng mga umuunlad na bansa.
Samantala, plano ng DTI na magsagawa ng Nordic culinary tour ngayong taon upang isulong ang Filipino cuisine sa Denmark at sa mga kalapit bansa nito.
Ayon kay DTI Undersecretary Nora K. Terrado, nagpaplano rin sila ng isang rade roadshow sa Denmark sa 2019 upang i-promote ang Filipino trade and investments sa kabuuan.
“PH currently enjoys GSP+ privileges with the EU and hopes to elevate this to a free trade agreement (FTA) soon. Also, discussions on the ASEAN-EU FTA are underway, with the last meeting held in Singapore last April 2018.”
Comments are closed.