SUPER happy ang magsyotang sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa naging outcome sa takilya at mga manonood ang kauna-unahang concert nila, ang ‘CoLove Live’ concert na ginanap sa Kia Theater after Valentine’s Day. Bumaha ng papuri para sa dalawa at sa kanilang naging mga panauhin kinabukasan sa social media.
Pero may isang nag-post ng kakaiba, humihingi ng paumanhin, si Janno Gibbs. Isa kasi si Janno sa mga special guests pero no show ang actor/singer sa naturang concert.
Ani ni Janno, dalawang pelikula ang kanyang nilalagare lately, na naging daan para magkasakit siya at natapat pa halos sa nalalapit na araw ng concert nina Jen at Dennis. Tinawagan naman daw ni Janno si Jen at humingi ng pasensiya.
May karamdaman siya ay namamalat pa si Janno. Bukod kasi sa solo number ni Janno ay may production number pa silang magkasama ni Jennylyn.
(Sa paglobo ng tiyan) MAX COLLINS NAGIGING ANTUKIN AT MAY STOMACH FLU
UNTI-unti na rin namang lumolobo ang tiyan ng first time mom na si Max Collins. Nasa halos ikaapat na buwan na rin naman ang kanyang pinag-bubuntis. Noong mga unang buwan pa lang ay okey pa ang kanyang pakiramdam. To the point na feel na feel niya ang mag-work ‘wag nga lang sa mga malalayong location.
Pero nitong magsimula nang lumaki ang kanyang tiyan, say ni Max madalas na raw siyang nakararanas ng morning sickness. Bukod pa sa nagiging antukin siya and feeling niya lagi mayroon siyang stomach flu.
Sa ngayon ay unti-unti naman daw nababawasan ang mga nararamdaman niyang karaniwang sakit ng isang babae na nasa kanyang unang pagka-kataon ng pagdadalang-tao. Lahat naman daw na kanyang iniindang sakit ay nawawala sa tuwinang gumagalaw ang baby sa kanyang sinapupunan.
So ang planong work pa more sana ni Max ay napurnada, pero happy naman siya at nabibigyan niya ng full concern ang kanyang pagbubuntis.
Comments are closed.