Nagbabala ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa local government units (LGUs) na maaaring maharap sa kasong kriminal at administratibo ang sinumang responsable sa hindi maayos na pagpapatupad ng waste management plan ayon sa nakasaad sa Republic Act 9003 kung kaya nagpaalala ito na kailangang makolekta ng maayos ang mga basura sa kanilang mga nasasakupan upang maprotektahan ang kalinisan at kalusugan ng mga mamamayan.
Naglabas ng pahayag ang DENR ilang araw matapos na maiulat na may mga lungsod na nagtambakan ang mga basura sa mga lansangan at nananatiling hindi nakolekta ang mga basura matapos ang holiday season tulad ng nangyari sa lungsod ng Maynila.
Nangako naman si Manila Mayor Honey Lacuna na pananagutin nito ang mga waste contractors na inabandona ang pangongolekta ng mga katakot takot na basurang nagtambakan sa mga lansangan matapos ang Christmas at New Year’s celebration sa taong 2024.
“RA 9003, also known as the Solid Waste Management Act, mandates local government units to develop, implement and enforce their respective solid waste management plans approved by the National Solid Waste Management Commission (NSWMC),” sabi ng DENR sa inilabas nitong pahayag.
Handa aniyang tumulong ang DENR sa LGUs na mangangailangan ng kanilang tulong sa pananatili ng kalinisan at maprotektahan ang kalusugan ng mga mamamayan kung kakailanganin.
“The DENR, therefore, would like to reemphasize the vital importance of effective waste management in safeguarding public health and protecting our environment on the part of the local government units. The Department stands ready to provide technical assistance to LGUs in order for them to fulfill their tasks and obligations,”sabi ng DENR.
Ang NSWMC, ay may mandato na tiyakin na maipatutupad ng maayos ang mga nakasaad sa RA 9003 at maaaring magsasagawa ng mga kaukulang hakbang kung kinakailangan kabilang ang pag- iimbestiga, at pagbibigay ng rekomendasyon para makapagsampa ng kasong administratibo o kriminal sa mga mga nagpabaya o sa kinauukulan na naging ugat ng ganitong suliranin.
“The NSWMC, the body tasked with ensuring compliance with RA 9003 will take appropriate action to ensure implementation of the law. This may include investigation and recommendation of appropriate administrative or criminal cases.To date, 89 percent or 1,416 of the total 1,592 LGUs nationwide, including all 16 LGUS of the National Capital Region, have solid waste management plans approved by NSWMC,”ang sabi ng DENR.
“We must all work collaboratively to consistently enhance our waste management practices and uphold our environmental responsibilities for the benefit of current and future generations,” ang dagdag pa ng kagawaran.
Ma. Luisa Macabuhay-Garcia