NAKAHANAP muli ng katuwang ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa rehabilitasyon ng wetlands na matatagpuan sa kinikilala sa buong mundo na Isla ng Boracay.
Ito ay makaraang lumagda sa memorandum of agreement (MOA) ang DENR at ang JG Summit Petrochemical Corp. (JGSPC) nitong Huwebes (Marso 7) para sa rehabilitasyon ng Boracay’s Wetland No. 8 na matatagpuan sa Barangay Manoc-Manoc.
Ang JGSPC ay ang nangungunang supplier ng world-class petrochemical products and solutions sa Filipinas na nasa pangangasiwa ng JG Summit Holdings na pagmamay-ari ng mga Gokongwei.
Nagpasalamat naman si Environment Secretary Roy Cimatu na naging kinatawan ng DENR sa paglagda sa MOA, dahil na rin sa ipinakitang suporta ng JGSPC, na itinuring niyang isang positibong hakbang tungo sa biodiversity conservation.
Ayon sa kalihim, ang wetlands ay isa sa mga pinakanapabayaan at napinsalang ecosystems sa kabila ng kanilang kahalagahan sa pagsasaayos ng natural na daloy ng tubig sa kapaligiran. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.