Nanawagan si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga sa nasasakupang local government units (LGUs) ng coastal areas ng Manila Bay na agad gamitin ang 11 “backhoes-on-barge” na proyekto ng ahensya na nagkakahalaga ng P491.46 million upang linisin ang naturang bay at iba pang waterways para sa paghahanda sa La Nina.
“We encourage the LGUs to use these backhoes-on-barge not only for the cleanup and dredging of the waterways and coastal areas of the Manila Bay region but also to help avert floods that threaten lives and properties in many vulnerable communities as a result of climate change,” dagdag ni Secretary Loyzaga.
Pinangunahan ng kalihim at Senador Cynthia Villar ang pag-turn over ng mga backhoes-on-barge sa 11 LGUs sa isang ceremonial event na ginanap sa Villar SIPAG Farm School sa Bacoor City nitong Miyerkoles, Mayo 29.
Kabilang sa mga LGU na nakatanggap ng backhoe na nagkakahalaga ng P9.7M bawat isa ay ang Bacoor City, Malabon City, Muntinlupa City, bayan ng Obando sa Bulacan, Pasay City, Pasig City, bayan ng Pateros, Quezon City, San Fernando City, Pampanga at Taguig City.
Kasamang naging saksi sa seremonya sina DENR Undersecretary Jonas Leones at Department of Public Works and Highway (DPWH) Undersecretary Lorie Malaluan.
Ayon kay Yulo-Loyzaga, ang kalusugan ng mga ilog na bumabagsak sa Manila Bay na kasalukuyang nire-rehabilitate ay may direktang epekto sa mga kalusugan ng kanilang mga komunidad.
Ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ang tumulong sa DENR na mabigyan ng naturang kagamitan ang LGUs. “There heavy equipment to dredge and desilt waterways and collect submerged garbage as part of the continuing rehabilitation efforts in this historical and valuable bay,” sabi ni Loyzaga.
“LGUs play a pivotal role in the success of the Manila Bay rehabilitation initiatives. I commend the dedication of our local leaders who have been our partners in implementing innovative solid waste management programs in their areas of jurisdiction such as the installation of trash traps and cleanup of rivers and esteros,” dagdag pa ni Yulo-Loyzaga.
Ito aniya ay bahagi ng Manila Bay rehabilitation na mandato ng Supreme Court (SC) sa Continuing Mandamus Order na may petsang December 18, 2008, na ipinag uutos sa DENR, DPWH at ibang state agencies, LGUs at dalawang water concessionaires na linisin ang bay at panatilihin ang tubig nito sa “safe level”.
Ang naturang mandato ng SC ang nagibigay daan sa pagkakalikha ng Manila Bay Rehabilitation Task Force noong 2019 sa pamamagitan ng Administrative Order No. 16.
“The task force has since been taking remedial measures to bring Manila Bay back to life,” ani Secretary Loyzaga.
Kabilang sa isinasagawa ng naturang task force ay ang engineering at technological assistance upang malinis ang mga kalidad ng mga katubigan sa mga esters at iba pang daluyan ng tubig na patungo sa Manila Bay. Kabilang din sa kailangang linisin at i-rehabilitate dito ay ang mga lumang sewer lines sa National Capital Region, relocation ng informal settler families na nakatira sa kapaligiaran ng Manila Bay.
Simula 2019, mahigit kumulang 1.1 million cubic meters na ng basura at silt ang nahukay sa mga ilog at coastal areas sa PIlipinas sa National Capital area ng Bay region.
Noong isang taon nakipagtulungan ang DENR sa San Miguel Corporation para sa Manila Bay rehabilitation project upang linisin ang Tullahan-Tinajeros river system sa norte ng Manila at Malabon, sa pamamagitan ng Adopt-a-River program ng naturang ahensya.
“Now with 551 waterbodies adopted and around 1,100 donor-partners nationwide through the Adopt-a-River program since its creation in 2010, we’ve seen how hard our donor partners, LGUs, and other government agencies worked hand-in-hand not just to sanitize Manila Bay alone, but all the other estero communities in the country,” sabi ni Yulo-Loyzaga.
Hinikayat din ni Yulo -Loyzaga ang mga LGU na gumawa ng sariling science-informed solutions kung paano lilinisin ang mga waterways at coastal areas sa kanilang naasasakupan alang alang sa kaligtasan ng publiko at ng kalikasan.
Ma. Luisa MAcabuhay-Garcia