PINAALALAHANAN ni Environment Secretary Roy Cimatu ang mga environment minister na pagtuunan ang kritikal na isyu ng marine plastic pollution sa ginanap na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Ministerial Roundtable Discussion on Clean Air, Health and Climate kamakailan sa Makati City.
Ayon kay Cimatu, lima sa ASEAN member-states ang pinagmumulan ng plastic pollution sa mga karagatan sa buong mundo na siya ring may pinakamataas na marine plastic litter concentration.
Batay sa Science Magazine, noong 2015, kabilang sa mga bansang tinawag na world’s worst plastic polluters ay ang Indonesia, Vietnam, Thailand, Malaysia at Filipinas.
Sabi ng DENR chief na kinakailangang magkaroon ng pagtutulungan at agarang solusyon ang rehiyon upang matugunan ang marine plastics sapagkat mayaman ang Asean region sa “ marine biodiversity” bukod pa sa pagkakaroon nito ng strategic maritime zone.
“After all, plastics have carbon footprint, too, and bio-accumulation of microplastics may have impacts to human health,” sabi pa ni Cimatu.
Nangako naman ang environment ministers at senior officials ng ASEAN member states na palalakasin nila ang mga initiative upang mabigyan ng solusyon ang patuloy na paglala ng air pollution upang mapigilan ang 0.6oC pagtaas ng temperature sa taong 2050. Sa pamamagitan nito ay mapabubuti ang kondisyon ng hangin at mapipigilan ang “premature deaths” at pagkasira ng mga pananim kada taon.
Ang mga pangakong ito ay tugon sa mensahe ng roundtable discussion kung saan tinalakay ang pagkaka ugnay-ugnay ng air pollution, health at climate. Tinutukan din dito kung paano mababawasan ang short-lived climate pollutants (SLCPs) katulad ng black carbon, methane, tropospheric ozone at hydrofluorocarbons na labis na nakaaapekto sa kalusugan at isa ring dahilan ng global warming. ENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.