NAGPAPATULOY ang Department of Education sa kanilang mga hakbang sa lahat ng paaralan sa bansa laban sa 2019 novel coronavirus-Acute Respiratory Disease o nCoV-ARD.
Iniulat ni DepEd Secretary Leonor Briones na katatapos lamang ng awareness campaign tungkol sa nasabing virus sa lahat ng paaralan sa lalawigan ng Camiguin.
Pormal na binuksan ang School Disaster Risk Reduction and Management Team sa pamamagitan ng DepEd nCoV Task Force.
Namahagi rin ng hand sanitizers sa lahat ng DepEd school division office at lahat ng paaralan na sakop ng nasabing lalawigan. ELMA M
Comments are closed.