Sisiguraduhin ng Department of Education ang pakikipagsosyo sa pagpapatitulo ng lupa sa Land Registrty Authority (LRA) para mapabilis ang pagtatayo ng gusali ng paaralan.
Sa pagsisikap na mapabilis ang pagtatayo ng mga gusali at pasilidad ng paaralan, ang DepEd ay pormal na nakikipagtulungan sa LRA upang tugunan ang mga matagal nang isyu sa mga walang titulong ari-arian na kadalasang humahadlang sa impraestruktura at mga proyekto.
Ang partnership, sa pangunguna nina Secretary Angara at LRA Administrator Gerardo Panga Sirios, ay naglalayon na gawing electronic title ang mga inisyu na titulo ng lupa sa ilalim ng DepEd, isang mahalagang hakbang sa pagtugon sa pangmatagalang isyu ng backlog sa silid-aralan.
Sa pamamagitan ng pagkuha ng mga titulo ng lupa, layunin ng DepEd na alisin ang mga pagkaantala sa burukratikong pagtitiyak na maitatayo ang mga paaralan sa mga legal na secured na ari-arian.
“Nakikita natin na ang kawalan ng titulo ay nangangahulugan ng kawalan ng seguridad o [kawalan ng] secure na kinabukasan dahil dito nade-delay ang pagtatayo ng panibagong mga silid-aralan,” ani Secretary Angara sa seremonyal na paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) kasama ang LRA.
“Mahalaga at makasaysayan ang araw na ito, lalo na sa DepEd. Ang lupa o titulo ng isang eskwelahan, ‘yan ang puso ng komunidad dahil hindi lang diyan nag-aaral ang mga bata, diyan din nagtitipon-tipon ang barangay [council], [at] ang komunidad,” ani Secretary Angara.
Binigyang-diin ni LRA Administrator Sirios ang kahalagahan ng partnership sa pag-iingat ng mga asset para sa mga susunod na henerasyon.
“Ang kaganapang ito ay makatutulong hindi lamang sa Departamento ng Edukasyon sa pag-secure ng mga ari-arian nito kundi pati na rin sa pag-secure ng kinabukasan ng ating mga kabataan dahil sa mga asset na ito, dito matatagpuan ang mga paaralan, at sa pamamagitan ng mga paaralan, maibibigay natin ang de-kalidad na edukasyon sa ating mga kabataan, ” pagtatapos ni Sec. Angara.
Elma Morales