BUBUO ng Task Force ang Department of Education (DepEd) upang tumutok sa mga concern sa novel coronavirus (nCoV) sa mga paaralan kasunod ng kumpirmasyon na mayroon na nito sa bansa.
Sinabi ni Education Undersecretary Atty. Nepomuceno Malaluan na natalakay ang mga miyembro ng executive committee ng ahensiya at napag-usapan ang pagbuo ng Task Force sa nCoV.
Ang bagong Task Force ay pamumunuan ni DepEd Secretary Eleanor Briones, kasama ang undersecretaries para sa field operations, administration, at legal bilang mga miyembro na makikipag-ugnayan sa Department of Health (DOH).
Unang hakbang ng Task Force ang agarang paglalabas ng mga advisory gayundin ang paggawa ng guidelines at protocols para masubaybayan at maiwasan ang pagkalat ng virus.
Siniguro naman ng DepEd na susundin nila ang guidelines ng DOH at ng World Health Organization (WHO) para sa ilang preventive measures.
Magiging maingat din ang DepEd sa paglalabas ng anunsiyo sa publiko hinggil sa nCoV upang hindi makalikha ng panic sa publiko partikular ang mga guro at mga estudyante.
Comments are closed.