WALANG mali sa ginawang pag-aresto kay National Democratic Front of the Philippines (NDFP) consultant Vic Ladlad ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na suspendido na ang Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (Jasig) kaya inaresto si Ladlad na nahaharap sa iba’t ibang kaso kabilang ang murder kaugnay sa umano’y pagpatay sa mga dati niyang kasamahan sa New People’s Army (NPA).
“There has been an announcement by the President even last year about the arrest of these people given the proclamation that the peace talks have ended,” pahayag ni Panelo.
Dahil naudlot ang peace talks kaya tuloy pa rin ang kaso laban sa grupo ni Ladlad tulad ng rebelyon na isang continuing crime.
Sa pagsalakay kahapon ng madaling araw sa safehouse ni Ladlad ay nakakuha ang mga tauhan ng CIDG ng ilang high-powered firearms at mga dokumento.
Una nang nadakip ang isa pang lider ng komunistang grupo na si Rafael Baylosis dahil sa kasong illegal possession of firearms. E. QUIROZ
Comments are closed.