MAYNILA-NAIS ni Labor Secretary Silvestre Bello III na malinawan muna ang pagpapalibing ng Saudi government sa apat na overseas Filipino workers (OFWs) bago muli ang pagpapadala ng Filipino nurse sa nasabing bansa.
Sa isang statement, hindi na muna aniya magpapadala ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng mga nurse sa Saudi Arabia.
Ang nasabing mga OFW ay namatay umano dahil sa COVID-19 (Coronavirus Disease 2019).
Sa panayam ni Bello, tinawagan niya ang ambassador ng Saudi Arabia at nagprotesta sa hindi pag-abiso sa kanila nang ipalibing ang apat na OFW.
Ipapadala sana ng DOLE ang 600 nurses bilang bahagi ng Government to Government Agreement sa pagitan ng Filipinas at Saudi Arabia, ngunit kanilang binawi muna.
Nagreklamo umano a kanilang tanggapan ang mga pamilya ng mga namatay na OFW.
Sinabihan na rin ng kalihim ang Philippine Overseas Employment Administration hinggil sa kaniyang kautusan. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.