DEPORTATION KAY PAROJINOG INAAYOS NA NG BI-NAIA

NAKIKIPAG-UGNAYAN ang Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Taiwan Immigration para sa madaliang pagpapabalik o deportation kay fugitive Ozamiz City Councilor Ricardo “Ardot “ Parojinog.

Nadakip si Parojinog ng Taiwan Authorities kamakailan sa Pingtung Country kung saan siya nagtatago sa tulong ng kanyang naging kasamahan sa kanilang iligal na aktibidades sa bansa.

Kasama sa isinasagawang imbestigasyon ang mga armas na nakuha kay Parojinog nang mahuli ito ng Taiwan Authority matapos ang sampung buwan na pagtatago sa naturang bansa.

Sa natanggap na report ng pamahalaan mula sa Immigration ng Taiwan, si Parojinog ay nasa kustodiya ng Immigration habang isinasagawa ang masusing imbestigasyon upang malaman kung papaano nakapasok ito sa Taiwan gamit ang mga pekeng dokumento .

Si Ardot ay ang nakababatang kapatid ni Ozamiz City Mayor Reynaldo “Aldog” Parojinog na napatay sa nangyaring pagsalakay ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa bahay nito dahil sa umano’y pagkakasangkot sa illegal drug trade. FROILAN MORALLOS

Comments are closed.