DEREK AT ANDREA SERYOSO NA ANG RELASYON

SERYOSO na talaga ang magsyotang Andrea Torres at Derek Ramsay, na tila kasalwallface na lang talaga ang kulang, kahit halos wala pang isang taon ang kanilang relasyon.

Nitong nakaraang Christmas day, nagsanib- puwersa ang pamilya ni Derek at Andrea para sa isang Christmas family bonding. Game na game na nag-post ang mag-sweetheart sa sama-samang pamilya na tila nakatira na sa iisang tahanan. Marami na nga ang nagsasabi na unti-unti nang bumubuo ng pamilya ang dalawa at sinimulan ito sa kanya-kanyang mga magulang at kapatid.

Kung matatandaan ay ganito rin ang ginawa ni Andrea noong nakaraang kaarawan ni Derek, tinipon niya ang lahat ng mga mahal sa buhay ng boypren kasama na ang pamilya nito para sorpresahin si Derek. Sa naturang birthday surprise party ay maluha-luha sa kaligayahan si Derek at hindi niya akalain na gagawin ito ng girlfriend.

Sa ngayon ay tuloy-tuloy muna sa bonding ang dalawa at sa takbo ng pangyayari ay mas gusto pa ng dalawa na mas magkaroon pa sila ng maraming araw together than making another project sa GMA-7. Wala kasi sa line up ng mga bagong show na magsisimula sa Bagong Taon 2020 ang dalawa.

MIKA DELA CRUZ  ‘DI PA HANDA SA SEXY PICTORIALS

KUNG pagbabasehan ang kagandahan at kaseksihan, kering-keri ni Mika dela Cruz ang magpakuha ng sexy photos nang naka-swimwear siya. Hindi na rin naman teenager si Mika.

Pero ano nga ba ang pumipigil kay Mika na magpakuha at mag-post ng sexy photos sa kanyang social media account? Kung ang ibang young actress na kasing-edad niya ay game na game na mag-post ng sexy photos, bakit hindi keri ni Mika gawin din ito?

Ayon sa young actress, choice raw talaga niya na hindi mag-post ng mga sexy pictures niya sa socmed. Hindi raw kumportable si Mika na i-post ang kanyang larawan na expose ang ilang parte ng kanyang makinis na katawan. Pero hindi naman inaalis ni Mika na isang araw ay magugulat na lang ang kanyang mga supporters na bigla siyang maglagay ng sexy pictures sa kanyang socmed account.