DEREK RAMSAY AT ANDREA TORRES TOTOHANAN NA ANG RELASYON

derek and joanna

SA pagtatapos ng sexy-drama series na “The Better Woman,” mukhang may mas showbiz eyemagandang finale, hindi lamang ang serye, kundi off-camera between the lead stars,  Derek Ramsay at Andrea Torres.

No problem naman kung sila na talaga nga­yon, dahil pareho naman silang single at may karapatang ma-in love sa isa’t isa.  Wala pang pag-amin sa dalawa, pero hindi nila maitago ang kilig kapag magkasama sila, on and off-camera.  Masasabi ngang sa simula pa lamang nang magsama sila sa plug shoot ng summer teleserye ay naging comfortable na ang pagtatrabaho nila.

At sa serye, lagi silang magkasama sa mga eksena dahil as Jasmine, asawa ni Andrea si Andrew (Derek) at kakambal ni Jasmine si Juliet, na sa simula pa lamang ay na-in love na kay Andrew.  Ginawa ni Juliet ang lahat para maagaw niya si Andrew kay Jasmine, nang mabigo siya, mas matindi ang naranasan nina Jasmine at Andrew dahil sa galit at kagustuhan nitong makapaghiganti sa kanila.

Dahil sa serye, naging malapit sa isa’t isa sina Andrea at Derek.  Nang lumaban sa Frisbee competition si Derek sa Shanghai, China, nang imbitahin ni Derek si Andrea na samahan siya, hindi tumanggi si Andrea, at sa mga posts nila mula roon, halatang nag-enjoy ang dalawa.

At last Sunday, September 22, nag-post si Derek ng picture nila ni Andrea in couple shirts and caps, with the caption na “my new golfing buddy!!!”

Hindi mahilig mag-golf si Andrea, pero kapag may laro si Derek ay sumasama siya, kaya natuto na rin siyang maglaro ng golf.  Kaya naman masaya ang fans nila na pabor sa kung anumang relasyon mayroon na sila.

Sabi ni @asianbitch25 “kayo na ba talaga?” @dearddawnyy “omg!!! Nagkatuluyan sa totoong buhay! Love it!” @andrek_worldwide “Lord thank you for having our mami @andreaetorres and daddy pogi @ramsayderek07 they made our life so colorful and joyful.

This week, don’t miss ang mga pasabog na ang eksenang mapapanood sa “The Better Woman.”  Ano kaya ang tatangga­ping parusa ni Juliet sa mga kasalanan niyang ginawa, ang pagpatay niya sa best friend niyang si Jessie (Ashley Rivera) at Angela (Ina Feleo) na kapatid ni Andrew.

Napapanood ang “The Better Woman” pagkatapos ng “The Gift” sa GMA 7.

JO BERRY ‘DI MAKAPANIWALA SA SUNOD-SUNOD NA PROJECT NIYA

PARANG hindi makapaniwala ang little person na si Jo Berry sa sunod-sunod na JO BERRYblessings na dumarating sa kanya.  After niyang magbida sa “Onanay,” kinuha naman siya ng Backyard Productions para sa first movie nilang “Kiko En Lala” na title role naman si Super Tekla.

Sa movie gaganap siyang si Tadhana, an unsual clairvoyant na ang gina­gamit niya ay ang pang-amoy niya para makipag-communicate siya sa mga spirits.

“Kung noong una po ay gusto ko lamang i-try ang acting, ngayon, mahal na mahal ko na ang pag-arte at kahit anong role na ibigay sa akin, kakayanin ko, kahit mahirap, kahit may pisikalan pa,” natatawang kuwento ni Jo sa mediacon.

“Kaya after ng movie back naman ulit ako sa teleserye, ang inspirational series na “The Gift” na gumaganap akong adoptive mother ni Alden Richards.”

Sa direksyon ni Adolf Alix Jr., kagabi ginanap ang premiere night ng “Kiko En Lala” sa SM Megamall at ngayong Wednesday, September 25, ang opening nila in cinemas nationwide.

Comments are closed.