HINAMON ni Derek Ramsay ang mga tao na nagsabing nakita siyang may kasamang babae sa isang bar na diumano’y siyang dahilan ng break-up nila ng non-showbiz girlfriend na si Joanne Villablanca.
“Ilabas mo ‘yang tao na ‘yan na nagsabing `yan na lumabas ako sa bar,” say ni Derek sa ginanap na grand presscon ng The Better Woman.
“I go to work, if I have time, I go to golf course, I go home. You tell me who that person that says I went to a bar. I`m sick and tired of that crap coz, I don’t go out. I don’t even know where the hot spots are,” paglilinaw ni Derek.
“I went out, maybe two weeks after the break-up just to release some stress, and I didn’t know where to go, I had to call friends and say, “where can we go? I just need a drink,” patuloy pa ni Derek.
Isyu pa kay Derek ay ang pagmumura raw nito sa mga kasama sa bahay na akusasyon sa kanya ang isang netizen na nagsasabing neighbor daw siya ng actor.
Hindi naman itinanggi ni Derek na nagalit siya at na-offend sa basher dahil tao lang daw siya.
“I`m not perfect. Nagmumura ba ako? Yes, hindi sa kasambahay ko. But, you know, basher nga, hindi ko minumura, eh, kasambahay ko pa. So, that’s what got me a little bit agitated na, “what the hell is this person`s saying?” aniya.
Katunayan ang isa nga raw anak ng kasambahay niya ay kanyang pinag-aaral at itinuring nang parang tunay na anak.
Hindi raw niya hinihiling na i-like siya ng mga bashers, pero sana naman daw ay maging respectful ang mga ito at huwag maging rude.
Well, hindi mo naman masisisi ang mga nagagalit sa actor dahil nga lahat ng naging syota nito ay kanya ring iniiwan. Iisipin mo tuloy na mata-pos pagsawaan ay kakalasan na lang at hahanap na naman ng ibang babae.
JENNYLYN MERCADO AT COCO MARTIN MAGSASAMA SA PELIKULA PARA SA MMFF
WALA nang makahaharang sa pagsasama nina Jennylyn Mercado at Coco Martin sa isang pelikula na intended sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December. Ito ay ipo-produce at ididirek mismo ni Coco at makakasama rin nila sa movie si Ai Ai delas Alas.
Ngayon pa lang ay marami nang positive feedbacks ang first team up nina Coco at Jennylyn. Marami rin ang nagsasabing parang bagay raw ang dalawa at parang malakas din daw ang kanilang chemistry.
Kapag nagsimula na ang shooting ay kapwa magiging super busy sina Coco at Jen dahil kasalukuyan pa ring umeere sa TV ang serye ng actor na Ang Probinsyano at si Jen naman may 3 project pa – Love You Two, Starstruck 7 at pangatlo itong movie nila ni Coco.
Maglalaban na naman sila sa takilya ng best friend niyang si Vice Ganda na may entry rin na movie sa MMFF 2019.
KRIS AQUINO GUSTONG MAGING NINANG NINA ANGEL AT NEIL
PAGKATAPOS nga kumpirmahin ni Angel Locsin ang engagement niya sa producer boyfriend na si Neil Arce, isa sa mga natuwa ay si Kris Aquino.
Diretsahan tinanong ni Kris sa Instagram ang Kapamilya actress at lead star ng The General`s Daughter kung tuloy pa rin ang pagiging ninang niya sa kasal ng dalawa.
Sagot naman ni Angel kay Kris na, “Yes, please Ate, be our ninang.”
Matatandaan noong magkarelasyon pa sina Angel at Luis Manzano at aktibo pa si Kris sa ABS- CBN ay nag-commit ito na maging godmother ni Angel kung sakaling ito ay ikakasal.
Tila matutuloy na nga ang kasal ni Angel, pero hindi kay Luis kundi sa kanyang producer boyfriend.
Comments are closed.