DERRICK PUMAREN BALIK-LA SALLE

Derrick Pumaren

MAGBABALIK si Derrick Pumaren bilang coach ng La Salle Green Archers.

Ginabayan ni Pumaren ang Green Archers mula 1986 hanggang 1991 at binigyan ang koponan ng dalawang kampeonato noong 1989 at 1990.

Si Pumaren ay naging coach ng University of the East mula 2014 hanggang 2017. Nabigo siyang dalhin ang Red Warriors sa Final 4 sa kanyang stint sa nalikom na 21-35 record. Mula 2018 hanggang 2019, hinawakan niya ang  basketball program ng Centro Escolar University.

“The university welcomes back Coach Derrick to the Lasallian community as he maps out the new direction of the Green Archers,” pahayag ng La Salle sa isang statement.

Mananatili sina coaches Gian Nazario at Jermaine Byrd, gumabay sa La Salle noong nakaraang taon, bilang assistant coach at skills coach, ayon sa pagkakasunod.

Ang Green Archers ay hindi nakapasok sa Final 4 sa Season 82, kung saan tumapos lamang ito sa ika-5 puwesto na may 7-7 record.

Comments are closed.