KABILANG na rin si Paul Desiderio sa pool of aspirants sa nalalapit na 2018 PBA Rookie Draft.
Isinumite ng University of the Philippines guard ang kanyang draft application kahapon kaya umabot na ang bilang ng mga aplikante para sa Dec. 16 Draft sa 45.
Ang 21-year-old playmaker ay sariwa mula sa championship stint ng UP Maroons na kanyang pinangunahan sa unang UAAP Finals appearance nito sa loob ng 32 taon.
Si Desiderio ay may average na 13.7 points, 6.2 rebounds, 3.4 assists, at 1.3 steals sa kanyang ika-5 season sa Fighting Maroons, na nagkasya sa runner-up finish sa eventual champion Ateneo Blue Eagles.
Nagpakitang-gilas din siya sa PBA D-League, kung saan tinulungan niya ang Go for Gold na kunin ang 2018 PBA D-League Foundation Cup championship.
Ang Cebuano dribbler ay bahagi rin ng Batang Gilas squad sa 2014 Fiba Under-17 World Cup.
Bukod kay Desiderio, nagsumite na rin ng aplikasyon sina two-time ASEAN Basketball League MVP Ray Parks, high-scoring guard Robert Bolick ng San Beda, highly-sought big man Abu Tratter, triple-double machine Bong Quinto at Letran teammate JP Calvo.
Ang iba pang kilalang players na lalahok sa draft ay sina San Sebastian hotshot Bong Calisaan, MJ Ayaay ng Lyceum, dating UAAP Rookie of the Year Kyles Lao ng UP, Teytey Teodoro ng Jose Rizal College, at Joseph Manlangit ng Centro Escolar.
Samantala, ang mga Fil-foreign bred player na nagsumite na rin ng kanilang aplikasyon ay sina dating NCAA MVP CJ Perez, Trevis Jackson, Robbie Manalang, Matthew Salem, Paul Varilla, at Carlos Isit.
Comments are closed.