IBINENTA kamakailan ni Jinkee Pacquiao ang ilan sa mga paborito niyang designer items para sa isang magandang layunin – ang makatulong sa kapwa.
Nagsagawa siya ng JinkeeSkin Grand Bazaar kamakailan sa Makati Diamond Residences at ang malaking bahagi ng kinita dito ibinigay niya sa mga biktima ng Typhoon Odette sa Visayas at Mindanao.
Kasama sa mga ibinenta dito ang mga pre-loved items din nina actress Heart Evangelista, former beauty queen Samantha Bernardo, influencer and luxury enthusiast Mhurp Rose, business partner ni Jinkee na si Maricor Flores, at iba pang celebrities at influencers.
Ilan sa pinakamahal na ibinenta sa bazaar ay ang puting Lady Dior bag ni Jinkee na nagkakahalaga ng PHP325,000 at Prada wicker and canvas tote bag na nagkakahalaga ng PHP55,000. Kasama rin ang Hermès Evelyne bag ni Jinkee na nabenta ng PHP195,000.
Hindi ito ang unang pagkakataong nagbenta si Jinkee ng mga pag-aari niyang designer items para tumulong sa mga nangangailangan.
Liban sa charity project, naglunsad din si Jinkee ng mga bagong produkto para sa kanyang skin-care brand – ang Youthful Glow Serum, Age Control Smooth Glow Body Scrub, Lightening Feminine Wash, Deep Cleansing Water, at Youthful Glow Sunscreen. Ayon sa business partner ni Jinkee na si Maricor, hindi sila nagmamadali sa paglalabas ng kanilang skin-care products dahil gusto nila ay perfect ito. KNMartin