HINDI lang paglalaro sa PBA ang pinagkakaabalahan ni Filipino-American Joe Devance kundi maging ang kanyang trading business sa United States.
Ang ibang Fil-Ams at kapwa niya PBA players na sina Gabe Norwood, Marcio Lassiter at Jay Helterbrand ay dito sa Filipinas may negosyo.
Si Devance ay kasama sa PBA superstars na hawak ni business manager Danny Espiritu.
Ayon kay Espiritu, naka-focus si Devance sa kanyang trading business bukod sa paglalaro sa PBA kung saan ang 6-foot-7 Hawaii born ay kasalukuyang naglalaro sa Barangay Ginebra sa ilalim ni coach Tim Cone.
“The guy is business minded. He has the propensity and inclination in business and always looks for his future,” wika ni Espiritu.
Sinabi namen ni Devance na, “Basketball is temporary not forever. You enjoy the luxury in life while still young. Once you reach the limit, you have to leave. It’s better to have business after basketball,” paliwanag ni Devance.
Si Devance ay ipinanganak noong February 19, 1982 sa Honolulu, Hawaii at nag-aral sa University of Texas sa El Paso kung saan nakatira si Filipino-American at Brazil Olympian Eric Shawn Cray.
Siya ang unang Hawaii-born na naglaro sa PBA.
Naglaro si Devance sa PBA noong 2007 sa Purefoods at Alaska at lumipat sa Barangay Ginebra. CLYDE MARIANO
Comments are closed.