UMALMA ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa akusasyon ng Migrante International na pinababayaan ng ahensiya ang mga stranded na Pinoy seafarers sa China.
Reaksiyon ito ng DFA sa pamamagitan ng Philippine Consulate General sa Xiamen kaugnay ng sinasabi ng Migrante International na wala ng tulong na natatanggap ang mga stranded Filipino seafarers sa nasabing bansa.
Ayon sa DFA, pinaplantsa na nila ang repatriation ng natitirang 11 Filipino seafarers na stranded sa Ocean Star 86 simula pa noong Marso.
Nilinaw din ng ahensiya na agad nagpadala ng ayuda ang Philippine Embassy sa stranded Pinoy seafarers matapos makatanggap ng email letter ang Philippine Consulate General noong Abril 22, 2020 mula sa nangangalang Jake Cruz.
Agad din nilang sinuri ang physical at mental condition ng Pinoy crew members.
Gayundin, maging ang pangangailangan ng iba pang stranded Pinoy seafarers sa Fujian Province sa China ay tinututukan na rin ng konsulada ng Filipinas. LIZA SORIANO
Comments are closed.