(‘Di alam ng bashers) ALDEN AT MAINE PALIHIM NA NAMIGAY NG TULONG SA TAAL

KALOKA ang bashers, wala nang sinasanto.  Isa nga sa bina-bash ngayon sina Aldenshowbiz eye Richards at Maine Mendoza, na puro pabida raw pero hindi naman tumutulong sa mga biktima ng Taal Volcano eruption.

Si Alden ang nakakuha ng matinding bashings dahil bago nangyari ang kalamidad, nasa Tokyo, Japan siya kaya naman nag-post siya sa mga lugar na pinuntahan niya kaya inakusahan siyang pabida. Pero Sunday morning pa ay nakabalik na si Alden sa bansa at pumutok naman ang Taal Volcano ng almost 3PM na ng Sunday.

Magpapabida pa ba si Alden samantalang apektado ang mga restaurants niya sa  Cavite at Tagaytay.  Pero hindi siya nagkait magbigay ng tulong, hindi nga lamang niya ipinaalam sa social media.  Nagbigay siya ng tulong, personal man ang humingi sa kanya o sa monetary donations na ibinigay niya.

Kaya ipinagtanggol siya ng isang AlDub blogger na sinabing kagagaling lamang nila last Thursday sa Taal at namigay sila ng donations mula sa perang ibinigay nina Alden at Maine.  Ibinilin daw ng dalawa na huwag na lamang sabihing sa kanila galing ang perang ipinambili nila ng mga gamit at bigas at tubig ng ipinamigay nila.  Kaya tanong nga niya sa mga nam-bash sa dalawa, nakapagbigay ba sila kahit kaunting tulong sa mga nabiktima ng Taal Volcano eruption?

Dagdag pa ng blogger, patuloy raw silang magbibigay ng donations sa ibang lugar naman sa Batangas.

Sa ngayon, ay puwede nang magbukas ang Concha’s Garden Cafe ni Alden sa Silang, Cavite, at iyong mga gustong magbigay ng donations, tumatanggap sila roon.  At ang mga taga-Metro Manila naman na gustong mag-donate, puwede ninyong dalhin ito sa Concha’s Garden Cafe, sa Scout Madrinan, South Triangle, Quezon City.

AIKO MELENDEZ LABIS ANG PASASALAMAT NA NAIDIREK NI GINA ALAJAR

NANANATILING number one sa GMA Afternoon Prime drama series ang “Prima Donnas” na dinidirek ni Ms. Gina Alajar. Kaya naman labis ang paghanga ng aktres na si Aiko Melendez, na muli niyang idinidirek nang muli itong bumalik sa GMA Network.

“I’m very thankful at labis na humahanga kay Direk Gina, dahil nagbunga ang lahat ng aming paghihirap para mabigyan ng dekalibreng programa ang Kapuso viewers,” pahayag ni Aiko.  “The woman behind why all of us are effective in what we do, direk @ginaalajar.  Thank you as I always tell you po nakatunganga ako minsan po pag blocking na tayo, because I take all what you tell me.  Learning so much still.  We love you.”

Lalo kasing nagiging exciting ang mga kaganapan sa serye kaya naman hindi ito pinalalampas ng mga Kapuso viewers. Pinagtatalunan ngayon ng netizens, pagkatapos ng DNA tests ng tatlong Donnas, si Mayi (Jillian Ward), si Lenlen (Sofia Pablo) at si Ella (Althea), kung bakit isa sa triplets ay hindi kadugo ng ama nitong si Jaime (Wendell Ramos)?

Ano kaya ang magi­ging explanation ng mga writers ng serye, may scientific reason ba ito? Possible bang totoo silang magkakapatid, pero bakit ang isa ay isinilang na iba ang dugo niya?  Ay naku, wait na lamang natin ang mga susunod na eksena ng “Prima Donnas” na napapanood araw-araw, pagkatapos ng “Magkaagaw.”

Comments are closed.