(‘Di dapat ipangamba ng business owners) ‘NO BOOSTER CARD, NO ENTRY’

Presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion III

WALANG dapat ipangamba ang mga business owner  hinggil sa panukalang ‘No Booster Card, No Entry’ policy.

Ayon kay presidential adviser for entrtepreneurship Joey Concepcion, ito’y dahil ang pagpapabilis sa pagturok ng booster ay magpapahaba pa sa panahong maluwag ang pinaiiral na restrictions kung saan malayang makakakilos ang publiko.

Iginiit ni Concepcion na mabibigyan ng booster vaccine ng dagdag na proteksiyon ang mga humihina na ang immunity habang hinihintay namang makahabol sa dami na bilang ng mga primary vaccination ang mga lalawigang may mababang vaccination rate.

Binigyang-diin ni Concepcion na hindi dapat tumigil ang business activities kaya  isinusulong nila ang ‘No Booster Card, No Entry’ policy na nagbibigay sa tao ng sapat na oras para makapagpaturok ng booster vaccine. DWIZ 882