SA Twitter account ng DZRH Showbiz News may inilabas silang “Mother ni Sarah Geronimo, walang katiyakan kung dadalo sa kasal ng anak kay Matteo Guidicelli sa March 14 na gaganapin sa Italy.
Kinopya ni Matteo ang balita at ipinost niya sa kanyang Instagram account.
Hindi ini-announce nina Sarah at Matteo kung kailan sila magpapakasal nu’ng ianunsiyo nila ang engagement.
Kaya nagulat ang netizens na nitong Marso ang kanilang pag-iisang dibdib na sa Italy pa gagawin.
Ang ina ng Royalty Pop singer ay walang reaksyon nu’ng lumabas na engaged na ang anak sa actor.
Hanggang ngayon daw kasi ay hindi matanggap ni Mommy Divine na ikakasal na si Sarah.
Kung ang dahilan daw ng ina ng singer ay tungkol sa financial, kaya naman daw nilang mag-travel ng family.
Hindi nga naman magandang tingnan na ikakasal ang anak tapos ang mga magulang ay wala sa kanyang tabi.
E, moment ‘yun ng anak na kailangang suportahan ng magulang.
“Alam naman ng lahat na kayang pumunta ng Italy. Hindi naman ito financial issue, will issue ito eh. Ang sakit-sakit nito for Sarah. Sana man lang maisip ni mother yan,” komento ng netizen.
Ano raw kaya ang malalim na dahilan at parang hindi matanggap ni Mommy Divine si Matteo para kay Sarah.
Sana naman suportahan na lang ni Mommy Divine ang pagpapakasal ni Sarah kay Matteo.
Ilang taon na rin naman ang singer at naipakita naman ni Matteo kung gaano niya kamahal ang kanilang anak.
“I admire how you brought up Sarah as a loving and obedient daughter. But this? If this is true, this is just too much. Alam ng lahat hindi na bata si Sarah karapatan niya maging masaya pagkatapos ng lahat ng sakripisyo niya para sa pamilya,” saad naman ng isang commenter.
May nagtanggol naman sa mother ng singer-actress.
“Grabe kayo sa nanay ni Sarah, hindi nyo pwede husgahan ‘yung nanay niya base sa mga nababalitaan niyo lang, tsaka masasaktan si Sarah kung lagi iba-bash ang pamilya nya kasi mahal niya sila, at dahil na rin sa magandang pagpapalaki sa kanya ng magulang niya kung ano siya ngayon.”
“Kung mahal mo anak mo, kahit saan sya ikasal, you’ll make an effort to be there.
“I will be praying for enlightenment ng isip ng parents ni Sarah. Sarah was a good daughter to them. She needs to be happy with the man she chose to love and be with.”
Sana raw kung hindi dadalo si Mommy Divine kahit man lang daw ang ama ni Sarah na si Daddy Delfin.
Siguro ang gusto ng ina ni Sarah ay dito sila magpakasal sa ‘Pinas at hindi sa Italy.
Ibig siguro ni Mommy Divine na maka-attend din ang buong pamilya ni Sarah. ‘Yun lang ‘yun.
Sino ba ang ayaw makita na ikinakasal ang anak.
Anyway, sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati ay ngayong Marso rin ikakasal.
Comments are closed.