PASAY CITY – ISANG mister na ginawa umanong hanapbuhay ang pagbebenta ng droga matapos na ito ay hindi makakuha ng trabaho bilang isang karpintero ang inaresto ng Pasay City police kasama pa ang dalawang nasa drug watchlist at nakuhanan ng may halagang P140,400 ng shabu sa magkahiwalay na drug bust operation.
Kinilala ni Colonel Bernard Yang, Pasay City police chief, ang mga naarestong suspek na sina Che-Che Washington, 40, ngbMaricaban, Pasay City; Enrico Pavia, 60; at Ismar Gigante, 38, kapwa naninirahan sa nabanggit na lugar.
Ayon kay Yang, unang naresto si Washington dakong alas-11:30 ng gabi matapos na isang walk-in informant ang nag-report hinggil sa ilegal na pagbebenta nito ng shabu.
Agad namang nagtungo ang mga miyembro ng Station Drug Enforcement Unit sa Balikatan, Maricaban, Pasay City upang beripikahin ang sumbong at nakita si Washington na may dalang 11 pirasong small heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na nakalagay sa loob ng coin purse. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.