(‘Di nagpabayad sa kampanya sa politiko) ROBIN PADILLA TINAWAG NA TANGA NG NETIZENS

Robin Padilla

NGAYONG tapos na ang kampanya ay malayang naglabas ng kanyang saloobin si hotshotsRobin Padilla tungkol sa mga ginawa niyang sakripisyo at nagsilbi rin itong patutsada sa mga artista na ibinenta ang kanilang serbisyo sa mga politiko.

May mga artista kasi na tumanggap ng talent fee para ikampanya ang ilang politiko at may balitang kesyo umabot daw sa limang milyong piso ang ibinabayad sa isang actress para maglibot at humingi ng boto para sa isang partylist.

“Ako ay hindi bayaran na artista. Katulad ni Andres Bonifacio wala nang hihigit pa sa pag-ibig sa tinubuang lupa. Ako`y  walang hangad na kapalit sa aking mga sakripisyo para sa Inang Bayan kundi ang magkaroon ng pag-asa ang mga mahihirap at walang laban.

“Walang pinakamaha­laga sa akin kundi ang kalayaan sa kahirapan ng kap­wa ko Filipino. Hindi ako politiko at lalong hindi ako namumulitika dahil kahit isang sentimo hindi ako tumatanggap ng bayad mula sa mga politiko, kaibigan o kapanalig dahil ayokong mabahiran ng pera ng taong bayan ang aking pagiging Rebolusyonaryo.

“Ang lahat ng ito’y inaalay ko unang-una sa Pangi­noong Dios na maylikha sa ating lahat! Panga­lawa,  ay sa pinakamamahal kong Inang Bayang Filipinas. Pa­ngatlo, ay sa mga ina­aping kapwa ko Filipino!

“Hinding-hindi ko ibebenta ang aking dangal at mga prinsipyo kahit kanino man kaya magtiwala kayo sa akin, mga kababayan ko. Ang lahat ng aking gawa pati ang aking hininga ay para sa pagbabago. Mabuhay ang Rebolusyon! Mabuhay ang Filipinas! Mabuhay ang Katipunan, Mabuhay ang Filipino!,” ang say ni Robin.

Hindi puwedeng sabihin ito sa ibang artista dahil ang iba nga ay nagpabayad ng kanilang serbisyo. Kumbaga, trabaho lang, pera lang, walang sakripisyo at walang pagmamahal.

Dahil sa pagiging ma­kabayan at tunay na wagas na mapagmahal sa kapwa at ating bansa ay super proud si Mariel Rodriquez sa husband/actor na si Robin kahit sabihan pa ng mga netizen na isang tanga si Robin na hindi tumanggap ng bayad sa ginawang pagtulong sa pangampanya sa mga politiko.

Wa epek din kay Mariel ang pilit na ginagawang isyu ng fans na sirain ang pagmamahalan nina Mariel at Robin sa pamamagitan ng paglalabas ng larawan ng isang babae na kumandong kay Robin sa isang bar/resto sa Davao na kung saan nandoon si Robin para tulungan sa kampanya ang mga kaibigang politiko.

Alam ni Mariel na sadyang lapitin ng mga kababaihan si Robin kaya na­tural lang na marami itong tagahanga na karamihan ay mga kababaihan.

AI AI DELAS ALAS BUMIGAY SA SORPRESA NG ANAK NA SI SANCHO

SA SPS

HINDI na napigilan ni Ai Ai delas Alas na mapaiyak sa celebration ng Mother`s DayAi Ai sa Sunday noontime show na Sunday Pinasaya. Hindi kasi inasahan ng sikat na komedyante na darating ang kanyang panganay na anak na si Sancho na may dalang bouquet of flowers. Nagbiro pa nga si Ai Ai kay Sancho na, “Hindi ito Ang Probinsiyano, SPS ito,” at tapos ay biglang umiyak si Ai Ai.

“Nagtatampo yan,” say ni Sancho kay Jose Manalo. “Sinadya ko kasing  hindi siya batiin ng Happy Mother`s Day dahil gusto ko siyang  sorpresahin.

“Ma, Happy Mother`s Day. Mahal na mahal kita,” sabay yakap nang mahigpit kay Ai Ai na tumigil na ng pag-iyak.

Ikinagulat ni Ai Ai ang pagdating ng anak dahil kasalukuyang napapanood Ang Probinsiyano ni Sancho  nang biglang dumating ito sa GMA 7.

Happy Mother`s Day sa lahat ng mga nanay, lalo na sa aking pinakamamahal na  nanay Milagros Guinto Ocampo.

“I  LOVE  YOU `NAY.”