JESSY MENDIOLA SUNOD-SUNOD ANG FLOP NA PELIKULA

JESSY MENDIOLA

WE beg to disagree sa sinabi ni Jessy Mendiola na kaya hindi pinasok ang kanyang star mirror2018 Metro Manila Film Festival entry na “The Girl In An Orange Dress” ay dahil hindi napapanahon ang tema ng pelikula. Aniya, madali raw magbago ang taste moviegoers kaya hindi nag-click ang kanyang movie at hindi man lang napasama sa top three sa nakaraang filmfest.

Naniniwala siya na may mga moviegoer na gustong manood ng romantic-comedy (rom-com), mayroon naman gusto ang heavy drama  at may gusto din ng action. Kaya, hindi raw siya ang dapat sisihin kung naging flop ang kanyang movie dahil pabago-bago ang taste ng mga moviegoer. Sorry na lang daw kung hindi napapanahon ang kanyang pelikula nang ipinalabas ito.

Sa puntong ito, bilang tagahanga ay wala kaming pinipiling genre ng movie o teleserye na ginawa ng aming idolo dahil history movie man ito o millennial ay pinapanood namin. Irrespective of the kind of role ang kanilang gina­gampanan.

Maganda at sexy ang syota ni Luis Manzano, artistang-artista ang porma at maganda namang umarte pero wala siyang ‘it’ para maging maging box office star. But in fairness, masaya kami naipadala ang kanyang pelikula sa ika-14 Osaka Asian Film Festival (OAFF). Eh, kumusta naman?

May suggestion kami ngayon kay Jessy, kung may kukuha sa kanya ng isang movie producer, kailangan sabihin niya rito na isama sa production cost ang para sa block screening para siguradong papasukin ang kanyang pelikula. Kung talagang maganda ang movie, tamang outlet ang block screening dahil magiging mula mismo sa nakapanood ay magkakaroon ng word-of- mouth publicity dahil tiyak ikakalat nila sa mga kaibigan na panoorin ito dahil it’s worth watching.

Look at the movie of Ogie Alcasid na Kuya Wes na ‘di pinansin ng mga moviegoers pero nag-pick ang kita sa takilya mula nang nagpa-block screening si Regine Valasquez. Maraming mga kaibigan ang mag-asawa ang nagpa-block screening din kaya naging masaya tuloy si Piolo Pascual na isa sa mga producers.

Kaya lang medyo nagulat kami, after the 2018 MMFF ay agad may pelikulang ipinalabas si Jessy at ito ang ‘Tol! na kasama sina Ketchup Eusebio at Arjo Atayde but sorry to say, hindi rin nag-click. At sinundan pa ito ngayon ng Stranded na makakapareha nito si Arjo Atayde. This is yet to be shown kaya my lips are closed.

Ano kaya kung this will be another flop movie for Jessy, matatanggap ba nitong tawagin siyang Queen of Flop Movies?

KAYE ABAD NASA PUSO PA RIN SI LLOYDIE

BALIK-SHOWBIZ ngayon si Kaye Abad at ina­min nito noong wala siya sa limelight KAYE ABADay nami-miss nito si John Lloyd Cruz na sobra silang naging close noong Tabing-Ilog days dahil sila ang magka-loveteam. And aside from this, inamin din nito na gusto niya ang personalidad ng aktor na kanyang first love at first boyfriend.

Aniya, simple lang buhay ng aktor, wala silang sasakyan kaya siya ang taga-sundo at taga-hatid ng aktor sa Laguna kung saan ito nakatira bago siya umuwi sa Cavite.

Ayon kay Kaye, naram­daman niya noon na magiging mahusay na aktor si John Lloyd at alam nitong sisikat ito at iiwan siya dahil magkakaroon ito ng panibagong loveteam.

Pareho silang naka-base ngayon sa Cebu pero hindi pa rin sila nagkikita hanggang ngayon kahit ‘di naman kalakihang siyudad ang nasabing lugar.

Si Kaye ay taga-Cebu ang kanyang naging husband na si Paul Jake Castillo, ex-housemate sa Pinoy Big Brother: Double Up (2009) at pinasok din ang showbiz.

Si Lloydie naman, taga-Cebu rin ang karelasyon nitong aktres na si Ellen Adarna at may tsikang magkaibigan din daw sina Paul Jake at Ellen.

Comments are closed.