ISA ang aktres na si Dianne Medina sa mga taga-showbiz na nag-venture sa negosyo na naging tagumpay naman. Hindi lamang business ang pinagkakabisihan ni Dianne kundi ang pagho-host sa telebisyon ng programang kapaki-pakinabang.
Kamakailan lamang inanunsiyo niya ang paglulunsad ng isang weekly magazine show that she will be hosting entitled “Loving What You Do” to start airing on March 24 at 9:30 AM on GMA News TV.
Ayon sa executive producer and director na si Zyrus Ramos, “through our program, Loving What You Do (LWYD), we aim to encourage Filipinos to live and work their dreams, to redefine their perspective on business and lifestyle and start living a better life.”
Sinabi ni Dianne, “LWYD will features inspiring stories of rags to riches and teaches the audience how to turn their passion into a profitable business. LWYD promotes to earn at your own pace and time while doing something that you actually love.”
Layon ng bagong programa na magbigay ng inspirasyon, mag-empower at magturo ng mga Filipino business enthusiasts na ipagpatuloy ang kanilang aspiration na makuha ang kanilang ambisyon sa buhay.
Ano ang pagkakaiba ng “Loving What You Do” sa ibang business related TV shows?
“It doesn’t just tell you to earn and make a profit. It helps you to discover what your passion is, and what you can do about it. It is a show on its own because its advocacy isn’t all about earning and making money. It is about YOU: how to empower you as a person, and ultimately, how to become a better YOU,” sabi ni Dianne Medina na isa ring batang negosyante kasama ang kanyang pamilya sa events management business.
Likewise, Ramos is a young entrep himself who started out as a video editor and photographer for various events and weddings. Loving what he does, he decided to level up by coming with an inspirational show which was first shown in the country’s television network for two seasons.
Aside from inspiring stories, LWYD will also feature fitness and a routine segment that will feature Philnoni, the alternative, locally- produced supplement that promotes healthy living, after all, our Health is our greatest treasure and the real secret to a progressive business is a healthy lifestyle.
Joining Medina as hosts are fellow business-minded millennials, Wellness Advocate Chiara Ongkiko, as segment and Grace Cristobal, Female Entrepreneur/founder of Alkaviva Water Philippines, as co-host.
Hinihimok ng LWYD ang manonood na mag-invest sa negosyo kahit na maliit basta ito ay may interes at tunay na gustong gawin at enjoy na gawin.
“Live life to the fullest, because life is too short to waste time on things that make you unhappy either in business or life,” pag-didiin ni Ramos.
YNEZ VENERACION TULUYAN NANG NAGSAMPA NG
SYNDICATED ESTAFA SA ISANG SCAMMER
NAGHAIN na ng kasong syndicated estafa ang aktres na si Ynez Veneracion at isa pa umanong biktima na nagngangalang Susan Ortega laban sa isang Brunei-based na negosyante na si Kathelyn Dupaya sa Parañaque prosecutor’s office kamakailan.
Sa isang panayam kay Atty. Ferdinand Topacio na siyang humahawak ng kaso ni Ynez, kinumpirma nito ang nasabing pag-sasampa ni Ynez ng syndicated estafa.
Ayon kay Atty. Topacio, kasama ni Dupaya na masasampahan ng kaso ay ang kanyang asawang si Mariano Dupaya, Sunnix Lahoylahoy, Mastika Nooryati Binti Haji Lakim, Rhea Viernes, Rhayann Pasiola, Marjori Bandi, at isang alyas “Flor” at “Alex.”
Sa paglalahad nina Ynez at Susan, nakuha sila sa pang-eengganyo ni Kathelyn Dupaya at ng kanyang mga ipinakilalang mga empleyado at kasamahan sa negosyo na umano ay isa siyang bigtime na businesswoman at maraming ari-arian. Nangko ito na mag-bibigay ng mataas na interes (5-6% weekly/monthly), kaya nag-invest sila ng malaking halaga sa kompanya ni Dupaya, ang MK Group of Companies.
Natupad daw naman noong una ang mga napag-usapan nila ni Dupaya na monthly profits o interest nila Susan at Ynez, pero hindi nagtagal at hindi na niya natupad ang kanyang mga pangako na ibigay ang mga naturang weekly/monthly na interest, pati na rin ang kabuuan ng investment capital ni Susan.
Diumano, ilang beses nilang pinilit si Dupaya na magbayad ng kanyang mga obligasyon pero marami na itong naging pag-iwas at dahilan kung bakit hindi niya matupad ang kanyang mga pangakong pagbabayad hanggang sa tuluyan na nga siyang hindi tumupad sa usapan.
Matatandaang kinasuhan din si Kathelyn Dupaya ng estafa ni Joel Cruz, ang tinaguriang “The Lord of Scents,” dahil umano sa naging biktima rin siya ng milyon-milyong halaga na dinaan din sa pang-eengganyo sa kanya na mag-invest din sa MK Group of Companies.
Kasalukuyan pa ring dinidinig sa korte ang kaso na isinampa ni Joel Cruz.