TINIYAK ng Department of Information and Technology (DICT) sa publiko na ligtas ang Mislatel consortium para sa Filipino subscribers.
Ayon kay DICT acting Secretary Eliseo Rio Jr., sila ang humahawak ng security ng Mislatel kaya makasisigurong ligtas ang paggamit dito.
Matatandaang opisyal na dineklara bilang “new major player” ng National Telecommunication Commission (NTC) ang Mislatel noong Nobyembre 9.
Ito ay matapos makakuha ng nationwide coverage na 84.01% na may bilis na 55 megabits per second (MBPS) ang Mislatel.
Sabi pa ni Rio, mayroon na silang cybersecurity intelligence platform para ma-monitor ang Mislatel pati na rin ang Globe at Smart.
Nakatakdang tanggapin ng Mislatel ang Certificate of Public Convenience and Necessity (CPCN) sa susunod na buwan at pagkatapos nito ay magsisimula na ang kanilang launching.
Sa Oktubre, inaasahang magkakaroon na ng mga subscriber ang third telco player na uumpisahan sa Metro Manila at Cebu.
Sa ngayon, kinakailangan daw muna nilang ayusin ang kanilang infrastructure at cell sites.
Comments are closed.