DICT UMAPELA SA CHECKPOINT AUTHORITIES: TELCO WORKERS ‘WAG HARANGIN

DICT-2

NANAWAGAN ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa mga awtori-dad na nagbabantay sa quarantine checkpoints na huwag harangin ang mga empleyado ng telecom-munication firms dahil exempted sila sa enhanced community quarantine.

Ayon kay DICT spokesperson Adrian Echaus, ang apela ay para rin sa local government units (LGUs) at subdivisions kasunod ng mga ulat na hindi pinapapasok ang maintenance personnel.

“Nananawagan po ang DICT na huwag pong pigilan itong mga tauhan lalo na ang mga maintenance at service personnel ng mga telco at internet provider,” ani Echaus sa isang virtual press briefing.

Ang mga empleyado ng cable at internet service providers, at  third-party contractors ng telecommuni-cation firms ay kabilang sa mga  exempted sa stay-at-home rules sa ilalim ng  Luzon-wide lockdown.

Tiniyak din ni Echaus sa publiko na tuloy-tuloy ang internet services sa kabila ng lockdown.

Aniya, inatasan na rin ang National Telecommunications Commission (NTC) na i-monitor ang internet service providers.

“Sinisigurado po ng DICT na ang mga internet services for existing subscribers ay tuloy-tuloy po at ang mga new subscribers naman ay mabigyang serbisyo,” ani Echaus.

Comments are closed.