NAKATAKDANG umalis ngayong araw si reigning Asian Games at Southeast Asian Games skateboarding queen Margielyn Didal patungong Australia para lumahok sa Olympic qualifying na gaganapin sa Enero 10.
“The event is the toughest ever in her career because the world’s best skateboarders are competing all determined to compete in the Olympic Games,” sabi ni Skateboarding and Roller Association of the Philippine president Monte Mendegoria sa eksklusibong panayam ng PILIPINO Mirror.
“She has to play hard and utilize all her God-given talent like she did in all international competitions and earn the respect and admiration of her peers,” wika ni Mendegoria.
Ayon kay Mendegoria, ranked 24th si Didal at kailangang mapanatili niya o mataasan pa ang kanyang ranking para magkuwalipika sa 2020 Tokyo Olympics.
“Top 40 ang kukunin. Ang kanyang 24th ranking ay medyo safe. Kailangang ma-maintain niya ang kanyang present ranking para makasali sa Olympic Games,” ani Mendegoria.
Lalaruin sa unang pagkakataon ang skateboarding sa Olympics at suportado ng Philippine Sports Commission (PSC) ang kanyang kampanya bilang isa sa priority athletes ng ahensiya.
Bago ang 30th SEA Games, nagwagi si Didal sa Exposure Open 2019 na ginawa sa Huntington Beach at sa 11th Annual Ladies Day sa Los Angeles.
Sina gymnast Carlos Edriel Yulo at pole vaulter Ernest John Obiena ang unang dalawang Pinoy na nagkuwalipika sa 2020 Olympics.
Nakapasa si Yulo sa qualifying na ginanap sa Stuttgart, Germany habang si Obiena ay nag-qualify sa Asian Athletics sa Qatar.
Bukod kay Didal, ang mga atleta sa athletics, boxing, taekwondo, judo at weightlifting ay lumalaban din sa iba’t ibang qualifying tournaments. CLYDE MARIANO
Comments are closed.