TAPOS na ang ilang buwang rehabilitation ni Diego Garcia dahil kanyang mental health problems na ang pinakamatindi ay depresyon.
Hindi ipinagkakaila ng actor ang nagyari sa kanya, at okay din sa kanyang pag-usapan ito dahil bahagi raw ito ng mga pagsubok sa kanyang buhay.
Ani Diego, mabuti nang alam ng lahat ang mga nangyari sa kanya dahil gusto niyang gawing advocacy ang mental health.
Amin niya, noong panahong sobra ang depresyon niya ay muntik na siyang mag-suicide. Kung hindi umano siya nagpa-rehab, baka patay na siya ngayon.
Napakahirap umano kung problemado ka, may depresyon, at wala kang mapaghingahan ng problema mo. Nalulong pa umano siya sa alak, pero hindi rin ito nakatulong. Sa halip, lalo umano siyang nade-deppressed kapag wala na ang epekto ng espirito ng alak dahil sa hang-over.
During the rehabilitation, araw-araw umano niyang kinakausap ang kanyang mga counselors na tinatawag niyang kuya at ate.
Sa ngayon umano ay siguradong magaling na siya, at ang dahilan kaya gusto niyang pag-usapan ito, ay dahil gusto niyang magsimula uli.
Nagbukas umano siya ng sarili niyang YouTube channel at ipinaliwanag niya dito ng detalyado ang mga nangyari sa kanya. Nagbago na umano siya ngayon.
Ngayong okay na si Diego, muli na naman siyang bibida sa latest offering ng Viva Films na “A Glimpse of Forever.” Hindi man umano naging madali ang buhay niya sa loob ng rehab, kinaya naman niya. Kapag binabalikan umano niya ang mga pangyayari, naiiyak pa siya kahit hindi naman siya iyakin. Walong buwan umano siyang nakulong.
Hindi naman umano siya nagsisising sumailalim siya ng rehabilitation. Malaki umano ang utang na loob niya sa nasabing facility, ngunit kapag nasa loob ka, pakiramdam umano niya ay nakakulong siya at walang komunikasyon sa mundo. Ni hindi umano siya pwedeng dalawin ng kanyang pamilya for a certain time kaya napakalungkot.
Naikwento rin umano niya ang kanyang karanasan sa loob ng rehab center sa kanyang amang si Cesar Montano, gayundin kung paanong binago siya dito.
Ibang tao na umano siya ngayon. Ibang iba umano ang Diego na pumasok sa rehab sa Diego na lumabas sa rehab.
By the way, kasama ng apala ni Diego sa “A Glimpse of Forever” sina Jasmine Curtis at Jerome Ponce. NLVN
Kumpirmado: AJ, Aljur magka-live in
Magka-live-in na pala ang anak ni jeric Raval na si AJ at dating asawa ni Kylie Padilla na si Aljur Abrenica, kaya sigurado kaming totoo ang impormasyong ito.
Simpleng simple lang ang sinabi niya: “Magkasama sila ngayon,” sabi ni Jeric. Itinanggi rin ni Jeric na may alitang ang dalawa na ang dahilan ay si Kylie na gusto raw makipagbalikan kay Aljur. Hindi raw yon totoo dahil araw-araw pa ring magkasama ang dalawa, lalo na kung umuuwi sila sa Pampanga.
Ngunit parang hindi swak ang kanilang relasyon sa kanilang career. Sa ngayon, parehong walang pelikula sina AJ at Aljur. Dahil kaya walang offer, o dahil gusto lang nilang magpahinga?
Nawalan daw kasi ng interes si AJ sa paggawa ng pelikula matapos mula nang magsunud-sunod ang pamba-bash sa kanya. Pero babalik umano si AJ sa pag-aartista, hind inga lamang sa ngayon.
Nanghinayang din naman umano siyang ilang buwan nang walang pelikula si AJ, pero hindi umano niya mapipilit ang ayaw.
Hindi raw naman buntis si AJ sa ngayon at wala pa silang balak na magkaroon ng anak.
Nagpapahinga lang daw umano talaga si AJ dahil mahina talaga siya sa intriga. Kaspag nakabawi na siya sa kanyang emotional aspects, magbabalik-pelikula umano uli si AJ.
Wala rin umanong anak si AJ na itinatago dahil ang ate niya ang may anak. Nagkataon lamang umanong mahilig si AJ sa bata kaya paminsan-minsan ay inaalagaan niya ang anak ng kanyang ate.
Kung tungkol naman sa relasyon niya kay Aljur bilang na boyfriend ng kanyang anak, wala raw naman silang problema. Nag-uusap umano sila ay sinabi na nitya ditong ayusin na ni Aljur ang mga dapat ayusin dahil bilang ama, umaasa rin siyang isang araw ay maihahatid niya si AJ sa harap ng altar. Pero desisyon umano ng dalawa kung magpapakasal sila o hindi. Basta kung saan masaya si AJ, doon siya. NLVN