PIGIL magbigay ng reaksiyon si Diego Loyzaga sa paglabas ng desisyon sa annulment case na sa pagitan ng kanyang ama na si Cesar Montano at estranged wife niya na si Sunshine Cruz.
“Actually, hindi ko alam. Ang alam ko lang si Tita Shine, I heard about it though my Mom (Teresa Loyzaga) because friends sila ni Tita Shine. And there were, Tita Shine threw, ah, parang, not naman a party, but like a get-together ng mga close friend,” lahad ni Diego.
Hindi nakapunta si Diego sa get-together party ni Sunshine dahil may trabaho raw siya that time.
“But I’m so happy for Tita Shine, that’s all I have to say about that. I’m happy for my Tita Shine that she is happy,” diin niya.
Inspirado naman si Diego nowadays dahil sa bago niyang project sa Kapamilya network. Hindi raw siya nahirapang tanggapin ang “Los Bastardos” kahit alam ng marami ang tayo niya sa buhay.
“It’s not offensive at all. To play nga a role like this it’s, If anything, it makes me want to do it more. Tanggap ko ang sarili ko. And, hindi ko kailangang patunayan kahit kanino na, look, I’m an actor, I’m acting. This is the role that has given to me. Hindi nakakabastos ‘yung pamagat ng serye namin,” pahayag niya.
Dugtong pa niya, “It’s not like they made the role literally through my life. Hindi naman. Lahat kaming lima bastardo dito, and being a bastard itself, ikayayaman ba ‘yun? Hindi naman. Ang mga bastardo may mga nagmamahal pa rin naman sa kanila. So, there’s nothing wrong with it at all.”
Makakatambal ng mga bida ng “Los Bastardos” sina Ritz Azul, Marijoy Apostol, Mica Javier, Jane Oineza, Maxine Medina at Kylie Verzosa.
Kasama rin sa serye sina Perla Bautsita, Ana Abad Santos, Joyce Ann Burton, Pinky Amador, Jeffrey Santos, Lito Pimentel, Efren Reyes at Rosanna Roces.
Comments are closed.