DIGITAL NA ANG ‘KARMA?’

ORO MISMO

ANG ating mundo ngayon ay puno ng ‘nagpapagalingang’ mga tao!

Sa puntong ito, nais kong ibahagi sa ating kolum na ito ang kaisipan ng aking kaibigang maga­ling na guro at propesor sa isang Pamantasan sa Lungsod ng Caloocan na si Sir Alvin Calayag.

Sabi niya, “Kung magaling ka, e ‘di very good! Dapat, chill ka lang. But it doesn’t follow na dahil magaling ka, wala nang ibang magaling. Hindi ganoon ang reyalidad. ‘Ika nga- ‘non sequitur.’

Maaring mas magaling ka sa iba, pero may mas magaling din sa ‘yo. At maaari pa ngang malayong mas magaling siya sa ‘yo, o mas magagaling SILA sa ‘yo…” may sense ‘di ba?

Ang mahalaga, sa’n ba dapat ginagamit ang galing? Pansarili? Para sa iba? Bottomline, kung talagang magaling ka, wala kang kailangang patunayan sa iba, natural na dadaloy ‘yan.

Subali’t may mga kilala akong tao na itinatago nila ang kanilang galing  bilang pagpapakumbaba, sa tamang pagkakataon, lulutang din ang katangiang ito ng likas na maga­ling.

Bato-bato sa langit, pero maraming tinatamaan. Kapag pinakikinggan natin ang kayabangan ng ibang kasama natin sa propesyon na akala mo ay sila na ang pinakamagaling, na akala mo lagi silang superyor, na kung makapagsalita ay sila lang lagi ang tama. Sukdulang makasira ng reputasyon at dignidad ng ibang tao.

Tandaan, may hangganan rin ang kanilang kayabangan, hindi sa lahat ng panahon ay iiral ang pagiging ‘untouchable’ nila. Sabi nga ng mga ‘milenyal,’ digital na ngayon ang karma.

o0o

Speaking of “digital” era, maraming media networks kabilang na ang print at broadcast media at naka-online na rin ngayon sa social media, tulad ng  Facebook at Youtube.

Marami na ring independent online commentators at bloggers ang napanonood sa medium na ito. Patok ito lalo na sa mga overseas Filipino workers (OFWs) dahil mabilis nilang nalalaman ang nangyayari sa “Pinas at kasabay nito ay mas interactive ang mga online program.

Bunsod nito, naisip naming bumuo ng isang samahan para sa online broadcasters. Kasama ko ang batikang radio TV broadcaster na si Eroll Dacame at radio-tv host/blogger na si Oliver Licup, itinatag namin ang Philippine Online Broadcasters Association. (POBA)

“POBA’s mission is to professionalize the online broadcasting sector. So, we will conduct trainings and workshops that will benefit the member who wanted to learn online knowledge and skills.”, sabi ni POBA President Eroll Dacame. “We are not a charity organization but we provide insurance to every member. We need to be the role model in everything we do pertaining to online broadcasting practice and discipline,” dagdag pa niya.

Ang bawat miyembro, depende sa kapasidad ay hinihikayat na mag-contribute para sa pagsulong ng samahan. Hinihikayat lang natin na magkaroon ng active participation ang bawat isa, sure ako, may maganda tayong patutu­nguhan.

Nu’ng ako po ay nag member sa Rotary Club International, ang nag-udyok sa akin na sumali ay para makatulong sa iba, at hindi sa kung ano ang maitutulong sa akin o ano ang pakinabang ko sa samahang ito.

Sa katulad na layunin, binuo po natin ang POBA upang tulungan ang mga online broadcaster na mas lalong isa-propesyunal ang sektor na ito at hika­yatin ang iba na makibahagi sa ating trainings and seminars. Kapag nagkaisa tayo, magkaroon tayo ng boses para mag-represent sa ikauunlad ng sektor na ito.

Ang ating founding officers: EROLL DACAME, POBA Founder/President and Leader News Philippines President/Channel Head; GANI ORO, POBA Chairman and DWIZ Primetime Anchor; RAFFY RICO, Auditor, Station Manager and Lead Anchor of Noon Break Media; MARIO BATUIGAS, Vice Chairman and Owner/Lead Anchor of Latigo News TV; JUN BORNASAL, VP for National Affairs and PBRN owner; BHONG DAVID, Founding BOD-VP for International Relations, owner of MCVO-CIS MEDIA Net Radio; THEOFEL SANTOS, Secretary and owner of TSO TV; ROGER BRON, BOD and owner of Rektang Puna News Online and OLIVER LICUP, BOD-Treasurer, Operations Director-Leader News Phils.

Sa mga online media practioner na interesadong sumali sa POBA, mag-text o tumawag sa 0995-1483605. You may join via online registration. Makipag-ugnayan lamang sa atin, maaring mag-email sa inyong inyong lingkod: [email protected].

Mabuhay ang POBA!

Comments are closed.