ANG Digmaang Espanyol-Amerikano ay isang digmaan sa pagitan ng Estados Unidos at Espanya na naganap mula noong Abril 25 hanggang Agosto 13, 1898.
Nagwagi ang Estados Unidos sa digmaan at nagtapos ang Imperyong Kastila sa Caribbean at sa Pasipiko. Matapos ang 113 araw mula sa pagsiklab ng digmaan, nagkaroon ng tinatawag na Kasunduan sa Paris (Treaty of Paris), na naging hudyat sa pagtatapos sa digmaan. Ito ang nagbigay ng kontrol sa Estados Unidos sa mga dating kolonya ng Espanya tulad ng Puerto Rico, Pilipinas at Guam, at kontrol sa proseso ng kalayaan sa Cuba, na nakamit noong 1902.
Humingi ng karagdagang pwersa si Commodore George Dewey noong Hunyo 30, 1898 kaya nagkaroon siya ng 10,964 na sundalo at 740 na opisyales, na siyang nagpanalo sa laban. – LEANNE SPHERE