NEGATIBO sa corona virus disease (COVID-19) sina Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Christopher Bong Go.
Ito ang lumabas sa resulta ng tests na ginawa sa Pangulo at senador matapos ang 48 oras.
Ayon kay Go, malinaw ang resulta na malakas at malusog ang kanilang pangangatawan para ipagpatuloy ang serbisyo sa taumbayan.
“The results of the tests for COVID-19 conducted on President Rodrigo Duterte and I turned out negative. We are fit and healthy to perform our duties,”diin ng senador.
Kaya’t payo ng senador sa publiko na maging maingat at sundin mga health official kung paano mananatiling malusog at malakas sa paglaban sa pandemic disease.
“Now more than ever, we as elected officials should do everything we can to be of service to the Filipino people. The government as a whole should still do its job in a manner that will not put the health of others at risk. Hindi pwedeng ipagpaliban ang tulong sa kapwa Pilipino, tuloy tuloy dapat ang serbisyo,”ani Go. VICKY CERVALES
Comments are closed.