BILANG pagtugon sa utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na linisin ang mga lansangan ay gagayahin ng Department of the Interiors and Local Government ang estilo ni Manila Mayor Isko Moreno na nilinis ang mga sagabal sa mga pangunahing lansangan.
Ayon kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, kinokonsidera ngayon na sundan ang pamamaraan ni Moreno sa paglilinis ng il-legal vendors, illegal parkings at iba pang obstruction sa ginagamit ang mga kalsada para sa kanilang pansariling interest.
Magsasagawa rin siya ng imbentaryo ng mga lansangan na ginagamit na tiangge at parking areas gaya sa Divisoria shopping district sa Manila.
“Ini-clear ito ni Mayor Isko Moreno. Puwede naman palang i-clear. Ngayon, medyo maluwag na doon. Iyan ang mga titingnan natin,” ani Año.
Pinag-aaralan na rin na buksan ang mga kalsada sa ilang private subdivisions tuwing rush hour para mapaluwag ang trapiko.
Inihayag ng kalihim na magiging “priority topic” sa gaganaping Metro Manila Commission meeting kasama ang mga alkalde at city adminsitrators sa Huwebes ang pagbawi o pag-reclaim sa public roads katulad ng utos sa kanya ni Pangulong Duterte sa katatapos na State of the Nation Address nito upang mapaluwag ang daloy ng trapiko.
Nagbanta pa ang Pangulo na suspendihin ang sinumang alkalde na hindi susunod o papalag sa gagawing aksiyon ng DILG sa pagbawi sa mga public road. VERLIN RUIZ
Comments are closed.