NAGBABALA ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga barangay official na nag-eendorso ng mga kandidato ngayong papalapit na ang 2022 elections.
Ayon kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, binalaan ng kanilang ahensiya ang mga opisyal maging ang kapitan ng barangay upang maiwasan ang pagiging partisan sa mga kandidato.
Sinabi ni Diño na tanging ang mga kandidato sa presidente, bise-presidente, senador, kongresista, alkalde at bise-mayor lamang ang maaaring mag-endorso ng kanilang kandidatura sa darating na halalan.
Hinikayat ni Diño ang mga opisyal ng barangay na subaybayan ang mga indibidwal na naglalagay ng political campaign materials sa mga cable wire, poste ng koryente at pasilidad ng gobyerno.
Ang sino mang lalabag sa ipinatutupad ng ahensiya ay posibleng maharap sa kasong may kaugnayan sa Omnibus Election Code. DWIZ882