QUEZON CITY – PINAPAYAGAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagkakaloob ng P1 million premyo sa pinakamalinis na barangay.
Paglilinaw ito sa plano ni Manila Mayor Isko Moreno na magbigay ng nasabing halaga sa mapipiling pinakamalinis at maayos na barangay sa buong Maynila.
Ayon sa pamunuan ng DILG hinahayaan ang P1 million premyo sa mga local government subalit mariin nitong nilinaw na gagamitin lamang ito para sa kanilang clean and green projects at pagsasaayos ng mga solid waste management facility.
Ang mga criteria o pamantayan sa timpalak ay: 30% sa segregation ng mga basura, 20% kailangang may material recovery facility, 20% mayroong greening program, 15% may isinagawang barangay consultation at 15% para sa barangay clean-up.
Ang mga kinatawan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), DILG, Metro Manila Development Authority (MMDA) at Department of Science and Technology (DOST) ang magba-validate ng shortlist bago ibigay kay Moreno.
Ang cash prize ay gagamitin ng mga chairman sa pagsasaayos at improvement ng kanilang Barangay Solid Waste Management. VERLIN RUIZ
Comments are closed.