NAIS ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na magkaroon ng talaan ng lahat ng kasambahay sa buong Pilipinas para mapangalagaan ang kanilang mga kapakanan kaya inatasan ang 42,046 na barangay na pasimulan na ang paglikha ng registration system para sa mga ito .
Ito ay dahil sa low turnout ng barangays registering domestic workers or “kasambahay,” kung kaya’t ipinag-utos ng DILG sa lahat ng barangays na simulan na ang registration system para sa mga ito at tiyakin na nakakatugon ang mga employer para protektahan ang kanilang fundamental rights bilang kasapi ng labor force.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo M. Año, ang maliit na bilang ng mga kasambahay na nakatala mula sa iilang barangay na umaabot lamang sa 3,359 mula sa 42,000 barangays nationwide ay pagpapakita nang non compliance ng mga barangay official sa probisyon ng Republic Act (RA) 10361, otherwise known as the “Domestic Workers Act” or “Batas Kasambahay”.
“There is more work to be done in the barangays in imploring better kasambahay registration turnout only. We direct our Punong Barangays (PBs) to be more proactive in instituting a registration system for our helpers as it is critical to ensuring that they are accorded the full protection of the law,” diin ni Año.
“With the care and service they [kasambahays] provide to households, especially to parents and their children, domestic workers deserve safe and healthful working conditions,” dagdag ng kalihim.
Inilantad din ni Año na ang Region V ang siyang may pinakamaraming barangays na nakapagsagawa ng kasambahay registration na may 627, sinundan ng Region VI na may 584 registered kasambahay, at Region VIII na may 499. Karamihan ng mga rehiyon ay nakapagtala lamang ng 200 barangays.
Nilinaw ng kalihim na dapat pangalagaan ng mga Punong Barangay ang kalagayan ng mga kasambahay at protektahan sila sa lahat ng uri ng pang-aabuso at economic exploitations sa pamamagitan ng pagpapalakas sa implementasyon ng Batas Kasambahay at ng Implementing Rules and Regulations (IRR) na kaakibat nito.
Sa ilalim ng IRR ng RA 10361, “PBs shall be responsible for the Registry of Kasambahay within his/her jurisdiction with each employer registering kasambahay/s under his or her employment in the barangay of his residence. The employer shall also enroll the kasambahay to the SSS, PhilHealth, and Pag-IBIG. VERLIN RUIZ